Jennylyn nag-react sa pakiusap ni Pacquiao; nanawagang tanggalin sa PNP ang masasamang pulis | Bandera

Jennylyn nag-react sa pakiusap ni Pacquiao; nanawagang tanggalin sa PNP ang masasamang pulis

Ervin Santiago - December 24, 2020 - 09:36 AM

NAPA-REACT si Jennylyn Mercado sa naging pahayag ni Sen. Manny Pacquiao hinggil sa kontrobersyang kinasasangkutan ngayon ng Philippine National Police (PNP).

Nanawagan kasi ang Pambansang Kamao sa sambayanang Filipino na iparamdam sa mga pulis ang “pagmamahal at pagkalinga” para raw suklian nila ito ng mas tapat na paglilingkod sa bayan.

Ito’y sa gitna pa rin ng matinding galit ng publiko sa brutal na pagpaslang ng pulis na si Senior Master Sergeant Jonel Nuezca sa mag-inang sina Sonya Gregorio at Frank Anthony Gregorio.

Nadamay na kasi ang buong pamunuan ng PNP sa ginawa ni Nuezca at ang sigaw ng karamihan ay magkaroon na ng tunay na pagbabago sa hanay ng kapulisan para hindi na maulit pa ang sinapit ng mag-inang Gregorio.

Kinondena rin ni Pacquiao ang madugong insidente kasabay ng muling pag-apela sa pagbabalik ng death penalty sa bansa para sa mga ganitong klase ng karumal-dumal na krimen.

Kasabay nga nito, nakiusap si Pacman na huwag namang husgahan ang buong pwersa ng PNP nang dahil sa kaso ni Nuezca.

“Nanawagan ako sa ating mga kababayan, huwag po nating husgahan ang ating buong PNP dahil sa ginawa ni Nuezca.

“Naniniwala ako na mas marami pa ring matitinong pulis at itong si Nuezca ay isa lamang sa mangilan-ilang bulok sa kanilang organisasyon,” pahayag ni Pacquiao.

“Sa halip na kamuhian ang ating mga pulis ay tulungan po natin sila upang maramdaman nila ang pagmamahal at pagkalinga ng mga mamamayang kanilang pinagsisilbiha.

“Ipakita natin ang ating tiwala nang sa ganun ay suklian nila ito ng mas tapat na paglilingkod sa ating bayan,” dagdag pa ng senador.

Nag-tweet naman si Jennylyn Mercado tungkol sa panawagang ito ng boxer-politician. Isang simple pero tumatagos na “Ha?” ang reaksyon ng Kapuso actress.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pero binura rin agad ito ni Jennylyn sabay retweet ng naunang post ng Kapamilya actress na si Angel Locsin kung saan sinabi nitong, “Good cops should condemn bad cops.”

Tweet ni Jennylyn, “Good cops should condemn bad cops.

“…and… do something to ensure that bad cops are removed from the organization. #FixTheSystem #ItamaAngMaliSaSystema.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending