Top 10 na showbiz chika sa Bandera ngayong 2020 | Bandera

Top 10 na showbiz chika sa Bandera ngayong 2020

Karlos Bautista |December 19,2020
facebook
share this

Top 10 na showbiz chika sa Bandera ngayong 2020

Karlos Bautista - December 19, 2020 - 08:05 PM

Quarantine, face mask, face shield, social distancing. Ilan lamang ito sa mga terminong paulit-ulit na naririnig ngayong 2020, ang taon na maitatala sa kasaysayan bilang panahon na puno ng restriksyon dahil sa pandemya.

Iba’t ibang paraan ang ginawa ng mga Pinoy na na-lock down para aliwin ang  sarili. May busy sa online selling. Meron sa online gaming. At may mga nag-TikTok.

Pero ang iba, ginawang libangan ang mga juicy na chismis at intriga tungkol sa paborito nilang artista.

Sa Bandera, narito ang Top 10 na mga maiinit na chika sa taong 2020.

NUMBER 10

Swimsuit photo ni KC hot na hot sa socmed: Malaswa nga ba?

Proud na proud na ipinakita ni KC Concepcion ang kanyang matambok na puwet sa isang Instagram post. Maraming napa-wow at pumuri sa katawan niya, kabilang na si Miss International 2016 Kylie Verzosa. Pero isang follower ang bumasag sa trip at sinabihan ang anak nina Megastar Sharon Cuneta at Gabby Concepcion na dapat daw munang irespeto nito ang sarili kung gusto nitong irespeto ng iba.

NUMBER 9

Ka Tunying umiiyak habang kinakalbo ang anak na may leukemia: Akala ko malakas na ako, marupok pala

Kilala bilang isang hard-hitting broadcast journalist si Anthony Taberna. Pero ibang Ka Tunying ang nasaksihan ng publiko nang i-post niya sa Facebook ang litrato ng anak na si Zoey na may leukemia matapos itong magpakalbo para sa kanyang chemotherapy. Wika ni Ka Tunying: “Nu’ng pumayag si Zoey na magpakalbo at nalaman kong papunta na sa ospital ang misis ko kasama si Ate Tet, umalis na muna ako. Akala ko ay malakas na ako. Marupok pala. May video habang kinakalbo si Zoey. At tuwing makikita ko iyon, hindi ko mapigil ang pagpatak ng aking luha.”

NUMBER 8

Hugot ni Jessy: Finally, it has ended…I’m finally free!

Nag-emote si Jessy gamit ang litrato ng isang puno na ibinahagi niya sa kanyang IG followers. Dito ibinandera niya ang mga katagang “finally free.” Pwedeng isipin agad ng mga nakabasa nito na ang sinasabi niyang paglaya ay tungkol sa pagkalas niya sa boyfriend niyang si  Luis Manzano.  Wika ni Jessy: “I’ve let myself become someone else, all those years I kept hating myself for always giving so much to other people that I kept forgetting how to love myself. I’ve learned to let go of all the pain, the struggles, the failures.”

NUMBER 7

Bernadette Sembrano tsinugi bilang reporter ng ABS-CBN; rumaraket na sa paggawa ng kanta

Kabilang ang Kapamilya newscaster at TV host na si Bernadette Sembrano sa mga nawalan ng trabaho matapos na mabigong makakuha ng panibagong prangkisa ang ABS-CBN mula sa Kongreso. Malungkot na kwento ni Bernadette: “I got a call from my superior tungkol sa aking trabaho as a reporter for ABS-CBN, mga ginagawang field work for Lingkod Kapamilya, ‘yun ‘yung aking field work na ginagawa na assignment.  And I was told that I was retrenched. Masakit din, but this isn’t the first time that this happened to me that I was enjoying the morning and then pagdating ng hapon medyo not so good news. So kung may kirot masakit, may sakit, ang sabi ko, ‘ang galing talaga ni Lord mag balanse ng buhay.”

NUMBER 6

KC nagsalita na sa tunay na ‘relasyon’ nila ni apl.de.ap

Matagal nang usap-usapan na may “something” sa pagitan ni KC Concepcion at ng miyembro ng The Black Eyed Peas  na si apl.de.ap pero walang kumpirmasyon o pagdedenay na nanggagaling sa kanila. Sa online cooking show ni KC, ang “Kitchen Collabs,” guest ng dalaga ang Fil-Am rapper. Pagsisimula ni KC: “Everybody who’s been asking for this, this is your treat… Today will be the day, the very, very first dessert day (Pinoy dessert na tibok-tibok). And I want to invite over my very special guest for the day. He’s a great, great friend of mine, very sweet, and very, very thoughtful.”

NUMBER 5

Truth or fake: Litrato nina Marvin at Markki na magkatabi sa kama kalat na

Kumalat sa social media ang litrato nina Marvin Agustin at Markki Stroem na hubad na nakahiga sa kama. Nakatihaya si Markki habang nakaunan sa dibdib niya si Marvin na tila mahimbing na natutulog. Kung matatandaan, natsismis na ang dalawa noon dahil sa kanilang closeness pero ipinagdiinan ni Markki sa isang panayam na, “He’s my friend, we do business together, so we’ve been working together for a while.”

NUMBER 4

Solenn, Nico 9 na buwan nang walang sex life; umamin sa tunay na dahilan

Matapos manganak  ng celebrity mom na si Solenn Heussaff sa kanilang first baby ay hindi  pa sila nagla-loving-loving ng asawang si Nico Bolzico sa loob ng siyam na buwan. Eto ang paliwanag niya sa kanyang vlog: “Personally, that was C-section. I don’t know if that was just subconsciously in my head, but we are chopped down there from nine different layers. So I’m still a little bit scared and I’m not yet ready to be quite honest. I know, it’s been a while.” Ang sagot ni Nico: “I’m waiting. And I’m not in a rush.”

NUMBER 3

Bahay ni Gardo winasak ng Bagyong Ulysses; tahanan ni Yassi sa Rizal binaha rin

Matapos ang Bagyong Ulysses, nagpost ng larawan ng kanyang sirang bahay si Gardo Versoza. Ang caption ng aktor, “Haaaaayyyyyy our house.” Kaagad nag-viral ang post na ito sa pag-aakala ng netizens na biktima rin si Gardo ng bagyo. Pero hindi pala, kundi luma nila itong bahay na muling ipapa-renovate pa lamang. Samantala, nag-post din si Yassi  Presmann ng larawan ng kanyang bahay na inabot ng tubig-baha. Ang masaklap daw ay wala siya doon nang bumagyo dahil nasa lock-in taping siya ng “FPJ’s Ang Probinsyano.”

NUMBER 2

Coleen napatunayang hindi madali ang maging padede mom; nag-sorry sa mga bumati

Napatunayan ng first-time mommy na si Coleen Garcia na napakahirap pala talaga ang maging nanay.  Nakararanas ng postpartum blues ang Kapamilya actress habang nagpapadede sa panganay nila ni Billy Crawford na si Baby Amari. “I knew postpartum recovery was not going to be easy and I knew breastfeeding was going to be challenging,” wika ni Coleen. “But wow, I never anticipated how hard it would be to go through both at the same time. I wish I could be stronger ASAP & move around better. It’s been a tough few days, but also so incredibly rewarding.”

NUMBER 1

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Billy, Bayani muntik nang magsapakan sa taping ng Lunch Out Loud

Kumalat ang video ng Lunch Out Loud dahil sa eksenang nagkapikunan sina Billy Crawford at Bayani Agbayani. May binabasa si Billy sa kanyang cellphone nang biglang tabigin siya ni Bayani at sinabihang, “Tama na! nagagalit na nga ang misis ko sa ‘yo, eh.” Sabay umalis ang komedyante sa stage at tila may balak pang mag-walkout. Tuloy sa pagtalak si Bayani habang pinipigilan siya ng babaeng staff at ilang marshall na nasa loob ng studio. Maya-maya ay biglang sumugod ang komedyante at makikitang nakahanda naman si Billy. Mukhang talagang magkakasapakan na. Sa pagkakataong ito ay biglang tumawa na si Billy, at gayundin si Bayani. Prank lang pala.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending