Billy, Bayani muntik nang magsapakan sa taping ng Lunch Out Loud | Bandera

Billy, Bayani muntik nang magsapakan sa taping ng Lunch Out Loud

Reggee Bonoan |November 17,2020
facebook
share this

Billy, Bayani muntik nang magsapakan sa taping ng Lunch Out Loud

Reggee Bonoan - November 17, 2020 - 01:22 PM

 

Nakakaloka! Prank lang pala!

Ang tinutukoy namin ay ang away nina Billy Crawford at Bayani Agbayani na nangyari sa noontime show nilang na Lunch Out Loud sa TV5 na ipinalabas ngayong araw.

Sinadya naming abangan ang programa dahil sa kumalat na video nitong Lunes ng gabi na inakala nga mga nakapanood ay totoong nangyari sa taping nila.

May binabasa si Billy sa kanyang cellphone ng biglang tabigin siya ni Bayani at sinabihang, “Tama na!  nagagalit na nga ang misis ko sa ‘yo, eh.”

Sabay umalis ang komedyante sa stage at tila may balak pang mag-walkout.

Naiwan namang nakanganga ang ibang hosts ng programa na sina KC Montero, Wacky Kiray, Valerie Concepcion, Macoy Dubs, Ariel Rivera, Jeff Tam at Alex Gonzaga.

Base sa napanood naming video wala that time ang isa pang host ng show na si K Brosas.

Tumatalak pa rin si Bayani habang pinipigilan siya ng babaeng staff at ilang marshall na nasa loob ng studio.

Pero biglang sumugod at nakahanda naman si Billy kung sakaling magsusuntukan sila.

Hindi naman kumikibo sina Macoy, Alex, Wacky, KC, Jeff Tam. Si Valerie ay idinaan na lang sa tawa ang naramdamang nerbiyos samantalang si Ariel naman ay sinabihan ang dalawa na “Tama na.”

Maya-maya ay tumawa na si Billy at gayun din si Bayani at sabay sabing na-prank nila ang mga kasamahan sa show. Sabi pa nila, ang mapikon daw ay talo.

In fairness maraming naniwalang totoo ang away ng dalawa, huh? Totoong-totoo kasi ang akting nina Billy at Bayani sa kanilang prank.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pero ang sabi naman sa amin ng mga taga-production ay wala silang ideya sa drama nina Billy at Bayani kaya pati sila ay nagulat sa nangyari.

May ganu’n? Pampataas ba ito ng ratings? Kailangan talagang may kunu-kunong away para pag-usapan ang Lunch Out Loud?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending