Alden sa tunay na relasyon nila ni Kathryn: I could say really deep!
HINDI diretsahang inamin ni Alden Richards kung nanliligaw ba o girlfriend na niya ang kanyang leading lady sa “Hello, Love, Again” na si Kathryn Bernardo.
Puro paiwas ang naging sagot ng Asia’s Multimedia Star sa mga tanong sa kanya nang muli siyang mag-guest s “Fast Talk with Boy Abunda” ng GMA 7 kamakailan.
“Yung mayroon po kami ni Kath ngayon Tito Boy is, I could say really deep,” ang naging sagot ni Alden sa tanong ni Tito Boy kung totoong nanliligaw na siya kay Kathryn.
Patuloy na paliwanag ng Kapuso superstar, “Since I got the chance to really know her now personally, ang dami ko pong nadi-discover sa kanya, our similarities and differences in how we view life.
“And sobrang na-appreciate ko po ‘yung mga bagay na ino-open up niya sa akin and, you know, welcoming me to her life, and of course, the family,” saad pa ni Alden.
Baka Bet Mo: Dom nanliligaw kay Sue, bet na bet ng nanay ng aktor: ‘Nagpapadala pa ng food!’
Inamin niyang nakilala at nabibisita na niya ngayon ang pamilya ni Kath kapag nagkakaroon siya ng pagkakataon. Puring-puri niya ang kabaitan at pagiging humble ng pamilya ni Kathryn.
View this post on Instagram
“I see how similar our families are in terms of how we see life, how we deal with everyday, and ‘yung pagiging makatao po. That’s how kung ano si Kath, ang laking factor nung family ngayon po,” ani Alden.
At nang tanungin ng King of Talk ang binata kung ano talaga ang intensyon niya sa dalaga bilang isa sa mga espesyal na tao sa kanyang buhay “Siguro sa ngayon po, ayoko pong madaliin kung ano man po ‘yung pinagdadaan naming dalawa.
“And I think she has all the time in the world now that she’s been able to try new things as well for herself,” sagot ni Alden.
Sundot na question ni Tito Boy sa aktor, ano ang papel ni Kathryn sa kanyang buhay ngayon, “Right now po kasi we are just, you know, very blessed with this opportunity that we have right now and, you know, the friendship po that we have right now is deep and special.
“And ang laking bagay po nun kasi mas nagagawa po namin nang tama ‘yung mga bagay na dapat naming gawin in terms of the film,” tugon ni Alden.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.