outbrain

Solenn, Nico 9 na buwan nang walang sex life; umamin sa tunay na dahilan

By Ervin Santiago September 15,2020
share this

Solenn, Nico 9 na buwan nang walang sex life; umamin sa tunay na dahilan

By Ervin Santiago September 15,2020 - 11:48 AM

 

INAMIN ng celebrity mom na si Solenn Heussaff na mula nang manganak siya noong Jan. 1 ay hindi pa sila nagla-loving-loving ni Nico Bolzico.

Ibig sabihin, siyam na buwan na silang hindi nagse-sex ng asawa mula noong ipanganak niya ang panganay nilang si Baby Thylane.

Ito ang diretsahang sinabi ng mag-asawa sa kanilang latest vlog kung saan inisa-isa nila ang mga pinagdaanang hirap at sakripisyo bilang first-time parents.

At sa isang bahagi nga ng video, ikinuwento ng Kapuso actress kung bakit natatakot pa rin siyang makipag-love making sa kanyang asawa kahit nine months na ang lumipas matapos siyang manganak.

“Personally, that was C-section. I don’t know if that was just subconsciously in my head, but we are chopped down there from nine different layers.

“So I’m still a little bit scared and I’m not yet ready to be quite honest. I know, it’s been a while,” paliwanag niya.

“I know some moms are like ‘What the?’ But that’s the truth,” dagdag pa ni Solenn.

Ayon naman kay Nico, wala itong issue sa kanya at nirerespeto niya ang desisyon ng asawa pagdating sa nasabing bagay.

“For me, after women give birth, it’s on them. We just need to wait as long as they need because we didn’t go through pregnancy. We support their pregnancy.

“They are the bosses. If they want to go back into the action, we should be ready. If they want to wait, we should be ready.

“If they want to try and then they stop, we should be ready. If they want to go to different direction from before, we should be ready,” lahad pa ng model-vlogger.

“I’m ready. I’m waiting. And I’m not in a rush,” dagdag pa niya.

Samantala, ipinagdiinan naman ni Solenn na ang pagkakaroon ng anak ang isa sa pinakamaligayang bahagi ng kanyang buhay.

“Having a kid does not ruin your life. It just adds a different branch. I have learned so much being a mom. I have learned a new side of me that I didn’t know before whom I love.

“I can’t remember life without my child. I’m the happiest I could be right now because of my child.

“So it doesn’t ruin your life. It changes your plans, yes. It changes logistics in your life, yes. But it definitely does not ruin anything,” tuluy-tuloy na pahayag ng Kapuso actress.

Para naman kay Nico, “It doesn’t ruin your life. It makes your life a thousand times better. I mean we’re enjoying life in a way at the level we never did before having Thylane. And I think the most important is like having a child also makes you a better person. It makes you more humble, it makes you shift priorities,” dagdag pa ng mister ni Solenn.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending