outbrain

Truth or fake: Litrato nina Marvin at Markki na magkatabi sa kama kalat na

By Reggee Bonoan July 12,2020
share this

Truth or fake: Litrato nina Marvin at Markki na magkatabi sa kama kalat na

By Reggee Bonoan July 12,2020 - 06:34 PM

Ang kumakalat sa social media na litrato daw nina Marvin at Markki, subali’t inaalam pa kung ito’y totoo o peke.

NAKATANGGAP kami ng litrato nina Marvin Agustin at Markki Stroem na magkasama sa kama.

Makikita sa larawan ang dalawang aktor — nakatihaya si Markki sa kama habang nakaunan sa dibdib niya si Marvin na tila mahimbing na natutulog.

Naisip namin, parang ganito rin ang ilang eksena ni Markki at ni Mike Liwag sa LGBTQ Anthology series na “Unlocked” na kasalukuyang number one ngayon sa GagaOOLala mula sa direksyon ni Adolf Alix, Jr..
Sa pagkakaalam namin, hindi kasama si Marvin sa nasabing pelikula dahil hindi naman ito nabanggit ni Markki nu’ng huli namin siyang makausap tungkol sa “Unlocked.”

Anyway, ipinadala namin ang litrato kay Markki at tinanong kung eksena ba sa pelikula ang kuha nila ni Marvin dahil baka lagyan agad ng malisya ng mga netizens na makakakita nito.

Pero hanggang sa matapos naming sulatin ang balitang ito ay hindi pa kami sinagot ng binata. Posible rin kasing edited ito para palabasing magkasama sila sa isang kama.

Anyway, may mga nabasa naman kaming komento tungkol sa espesyal na pagkakaibigan nina Markki at Marvin.

Nagkasama pala sila sa isang project ilang taon na ang nakararaan at mula noon ay naging close na nga sila. Maaaring ganu’n lang talaga sila ka-close kaya hanggang sa pagtulog ay magkasama sila nang wala namang malisya.

Kung matatandaan, natsismis na ang dalawa noon dahil sa kanilang closeness pero ipinagdiinan ni Markki sa isang panayam na, “He’s my friend, we do business together, so we’ve been working together for a while.”

Bukas ang pahinang ito sa paliwanag nina Markki at Marvin. Agad naming ilalathala ang ilalabas nilang statement.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending