Bahay ni Gardo winasak ng Bagyong Ulysses; tahanan ni Yassi sa Rizal binaha rin | Bandera

Bahay ni Gardo winasak ng Bagyong Ulysses; tahanan ni Yassi sa Rizal binaha rin

Reggee Bonoan |November 16,2020
facebook
share this

Bahay ni Gardo winasak ng Bagyong Ulysses; tahanan ni Yassi sa Rizal binaha rin

Reggee Bonoan - November 16, 2020 - 09:38 AM

ILANG araw muna ang pinalipas nina Yassi Presmann at Gardo Versoza bago nila ipinost sa kanilang social media accounts na biktima rin sila ng bagyong Ulysses.

Ang magandang bahay ni Gardo na nakikita sa background kapag nagti-TikTok siya ay nilubog din ng baha. Inabot ang 2nd floor nito, sira-sira ang pundasyon pati na ang hagdanan at natanggal pa ang bubong.

Ang caption ng aktor sa larawan ng bahay niya habang nakasilip pa ang fur baby niyang Chow, “Haaaaayyyyyy our house (crying emoji).”

Marami naman ang nagpaabot ng suporta sa aktor at nagsabing think positive at siguradong makakabangon sila ulit.

Sabi ni @chandria0526, “Teka kahit masakit UNG pic na ‘to may cute sa taas (emoji dog).”

At sinundan na nga ng iba pang comments na nakapansin sa cute na alaga ni Gardo.

Samantala, nag-post din si Yassi na hindi naman binanggit kung saang subdivision sa Rizal ang bahay niya na inabot din ng tubig-baha. Ang masaklap daw ay wala siya sa bahay nila nang bumagyo dahil nasa lock-in taping siya ng “FPJ’s Ang Probinsyano.”

Larawan ng lalaking nakasakay sa rubber boat na kinunan sa taas para makita ang kabuuan ng baha ang post naman ng leading lady ni Coco Martin.

Ang caption nito ay, “This is what my Home in Rizal looked like a few days ago. Here in Batangas, we are continuously praying for everyone who is still recovering for Typhoon Ulysses.

“Thank you to my staff for doing all they can to save what we could. Thank you Yaya Lai, Ate Joy, Kuya Joel at Jerome at mga boys at mga kapit bahay na nagtulong-tulong. Sobrang Salamat.

“Sana po magpakatatag pa po tayo at patuloy na magdasal para sa mga kababayan po natin.

“Tulungan po sana natin sila sa kahit anong paraan na makakaya natin. Mag-ingat po sana ang lahat. Malaking yakap.”

Nagpakita naman agad ng suporta si Maja Salvador sa aktres sa pamamagitan ng praying emoji. At ang lahat ng followers ng aktres ay iisa ang sabi, “stay safe”, “praying for you,” at “mabuti’t ligtas sila.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang forever supporter nina Yassi at Coco na si @cmyp_forever ay nag-post naman ng, “Ingat din kayo ni direk Yass (emoji heart).”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending