Pamilya ng tatlong empleyado ng Kamara na nasawi sa Covid-19, tumanggap ng cash mula sa kapulungan
Tumanggap ng tig-P100,000 na tulong-pinansyal ang pamilya ng tatlong kawani ng Kamara na namatay dahil sa Covid-19.
Ang donasyon ay mula sa pagsisikap ng mga mambabatas at mga empleyado ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na nagdaos ng isang online auction.
Itinampok sa “CongBid i-Mine Mo Na Ito” online auction ang mga pre-loved items ng mga miyembro ng Kamara para makapangalap ng pondo para sa mga naiwan ng mga pumanaw na kawani na biktima ng coronavirus.
Ang nasabing online auction ay inisyatibo at pinangasiwaan ng Congressional Policy and Budget Research Department.
Kahapon, ipinagkaloob ang donasyon sa isang seremonya na dinaluhan ni House Secretary General Mark Llandro Mendoza at ilan pang opisyal ng Kamara.
Samantala, pinangunahan rin ni Mendoza ang pamamahagi ng tulong sa mga kawani na labis na nasalanta ng Bagyong Ulysses.
Tumanggap ang 99 na empleyado ng bigas at relief packs.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.