Alden sa tinatamasang tagumpay: Walang madali sa buhay, kailangang paghirapan mo lahat
PINATUNAYAN ni Alden Richards na karapat-dapat lang siyang tawaging Asia’s Multimedia Star sa matagumpay niyang 10th anniversary concert kamakalawa ng gabi.
Trending topic sa social media ang ginanap na “Alden’s Reality: The Virtual Reality Concert” na talagang inabangan at tinutukan ng kanyang fans.
Pinuri rin nang bonggang-bongga ang kabuuang produksyon ng 10th anniversary concert ng Pambansang Bae at kauna-unahang virtual reality concert sa Pilipinas.
Napuno ang social media ng photos at positive feedback habang sila’y nanonood ng concert na tila isang date kasama ng Kapuso heartthrob.
Nag-enjoy rin ang mga viewers sa iba’t ibang performances ni Alden kasama ang special guests na sina Rodjun at Rayver Cruz at ang OPM band na December Avenue.
Isa rin sa mga inabangan sa concert ang debut performance ni Alden ng kanyang pinakabagong single na “Goin’ Crazy” under GMA Music at FlipMusic Productions.
Sa kasalukuyan, number one ito sa iTunes PH at kabilang din sa Absolute OPM Playlist ng Apple Music. Maaari nang i-stream at i-download ang Goin’ Crazy sa iba’t ibang digital platforms worldwide.
Samantala, ibinahagi rin ni Alden sa publiko ang ilan sa mga mahahalagang life lessons na natutunan niya sa 10 taong journey niya sa showbix.
“Throughout the decade, ang dami talaga nangyari, mga downfall, mga success. But really it boils down to experience,” pahayag ng binata sa panayam ng GMA.
Aniya pa, “If there’s a redo of anything I’ve been through for the past 10 years, wala akong babaguhin doon because if it weren’t for that I wouldn’t be the person I am now, and if it weren’t for those achievements and failures that I’ve had, walang lesson eh.”
Aminado si Alden na hindi rin naging madali sa kanya ang marating kung nasaan man siya ngayon kaya nagpapasalamat siya sa lahat ng mga tumulong sa kanya mula noon hanggang ngayon.
“Wala talagang madali sa buhay. You really have to work hard for everything. What’s really important is you keep the faith,” chika pa ng singer-actor-TV host.
Isa pa sa mga sikreto ng tagumpay ni Alden ay ang kanyang respeto sa lahat ng taong nakakatrabaho niya, “Be a good person. Treat everyone with respect because ’yung people sa paligid mo will bring you to success.
“Marami akong taong kasama up to this point. They are the reason why I’m staying. Marami silang na-impart na life lesson sa akin na hanggang ngayon ay dala-dala ko,” aniya pa.
Pagpapatuloy pa niya, “Isa pa sa mga lessons na natutunan ko sa journey na ito is always treasure the people you’ve had from the start. Never forget about them.
“That’s always part of being grateful with everything you have,” lahad pa ng award-winning Kapuso Drama Prince.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.