Zoey Taberna: Gusto kong ipakita na strong ako at kahit mahirap kaya ko pa rin po…
DALAWANG taon pa ang kailangang gugulin ng anak nina Anthony at Rossel Taberna na si Zoey sa pagpapa-chemotherapy para sa paglaban niya sa leukemia.
Na-diagnose ang bata na may leukemia o cancer sa dugo noong December, 2019 pero ngayon lamang ito nalaman ng publiko.
Ayon kay Zoey, medyo maayos-ayos na ang pakiramdam niya ngayon kumpara nitong mga nakalipas na mga buwan.
Sa panayam ng “Kapuso Mo, Jessica Soho” kay Zoey, natanong ito kung ano ang nagtulak sa kanya para ipaalam na sa publiko ang kanyang kundisyon, lalo na nang i-post niya ang litrato niyang wala nang buhok na dulot nga ng chemotherapy.
“Naisip ko lang po na it’s been a year na dapat po hindi ko na po ikahiya na I’m bald po.
“Na dapat ipakita ko sa mga tao po na strong po ako, and kahit na mahirap po yung pinagdaanan ko po ay kaya ko pa din po,” pahayag ni Zoey.
Ayon sa kanyang inang si Rossel, noong kasagsagan ng lockdown dulot ng COVID-19 pandemic ay isang buwan din silang nasa ospital. At dito raw talaga na-experience ng bata ang matinding hirap.
Paano nga ba nagpapakatatag si Zoey para patuloy na labanan ang kanyang karamdaman? “Nu’ng time po na yun, two weeks po akong hindi kumakain ng kahit ano po, puro drinks lang po and ice po. So, siyempre sobrang hungry po ako.
“Dini-distract ko na lang po palagi yung sarili ko saka lagi po ako nagpi-pray po para bigyan ako ng strength palagi ni God,” aniya pa.
Samantala, nag-post din si Zoey ng mensahe sa kanyang Instagram page para pasalamatan ang lahat ng nagdarasal para sa kanya, pati na sa mga taong hindi naman niya kakilala pero nagbibigay ng panahon para mas patatagin pa ang loob niya.
“Hi everyone! I just wanted to say thank you to everybody sending me messages and prayers.
“I may have not responded to all of you, but please know that I appreciate you all. Thank you all for caring for me so much. Good Night po!” sabi pa ng anak ni Ka Tunying.
Bago ito, nagbigay din ng kanyang message si Rossel para sa anak, “To Zoey, anak for being strong and brave and for having a strong faith in Him. And to our Lord God for giving us strength in spite of all the struggles that we have been through and the new challenge we are facing right now. Kayo na po ang bahala sa amin.
“1 year down 2 more years to go for your complete healing, Atchi. Mahal na mahal ka namin,” aniya pa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.