Willie kay Glaiza: Ang ganda, simpleng babae lang, ang galing na artista...ano pang hahanapin mo? | Bandera

Willie kay Glaiza: Ang ganda, simpleng babae lang, ang galing na artista…ano pang hahanapin mo?

Ervin Santiago - December 08, 2020 - 10:23 AM

BILIB na bilib si Willie Revillame kay Glaiza de Castro matapos itong mag-guest sa nakaraang episode ng “Wowowin” sa GMA 7.

Matagal nang iniimbitahan ng TV host-comedian ang Kapuso singer-actress sa kanyang programa pero ngayon nga lang ito natuloy.

Kung matatandaan, Hunyo pa nitong taon ay sinasabihan na ni Willie si Glaiza na mag-guest sa “Wowowin” dahil alam niyang super talented ang dalaga at napakagaling ding mag-perform on stage.

Ngunit kahit gustung-gusto nga ng aktres na pagbigyan ang hiling ni Willie ay hindi pa siya agad makabalik sa Metro Manila dahil inabutan na siya ng community quarantine sa Baler, Aurora, kasama ang kanyang pamilya.

At ngayong nasa Manila na uli si Glaiza, agad siyang gumawa ng paraan para makapag-guest agad  sa “Wowowin”. At in fairness, talagang puring-puri siya ni Willie matapos magpakitang-gilas sa harap ng milyun-milyong Kapuso viewers.

Ani Willie pagkatapos mag-perform ni Glaiza, “Ang galing ha! Magaling ano. Ganda, ang galing, simpleng babae lang, ang galing na artista.

“Ano pang hahanapin mo? Oh, ‘di ba, Glaiza de Castro. Galing tsaka ang ganda ng boses, direk ano? Nakaka-in love ‘yung boses tsaka ‘yung galaw niya, ‘di ba?” chika pa ni Willie.

Dagdag pa niya, “’Yung mga ganyang talent, hindi pupuwedeng pang-teleserye lang. Dapat versatile ka.

“Versatility ang usapan dyan. Ang talent mo hindi lang sa acting, ‘di ba. Singing, dancing tapos acting pa. Tapos maganda ka pa,” papuri pa ng TV host sa Kapamilya singer-actress.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending