‘Wil to Win’ ni Willie may bagong timeslot, nagbawas ng segment

‘Wil to Win’ ni Willie may bagong timeslot, nagbawas ng segment

Pauline del Rosario - September 15, 2024 - 11:22 AM

‘Wil to Win’ ni Willie may bagong timeslot, nagbawas ng segment

PHOTO: Screengrab from YouTube/Wil to Win

MAY adjustments sa magiging timeslot ng television variety and game show na “Wil to Win” ni Willie Revillame.

Imbes na 4:30 p.m., ito ay mapapanood na tuwing 5:00 p.m. at ang bagong oras ay magsisimula na sa Lunes, September 16.

Ayon kay Willie, tinanggal na kasi nila ‘yung 30-minute segment na “Sakorera.”

“Alas singko na po tayo magsisimula. Five o’clock para kasama niyo na kaagad ako,” anunsyo ng TV host noong Biyernes, September 13, sa kanyang show.

“Wala na tayong magiging ‘Sakorera,’ 4:30 to 5:00 p.m. ‘yun. Kasi ang gusto niyo ata ay lumabas na agad ako nang alas singko—sama-sama na kaagad tayo,” wika pa niya.

Baka Bet Mo: Lihim ni Boobsie buking ni Willie, naging ‘starlet’ bilang Mystica Suarez

Para sa mga hindi aware, ang “Sakorera” ay ang opening segment ng programa na hindi kasama si Willie, pero ang mga host na tampok diyan ay sina Cindy Miranda, Ana Ramsey, Roberta Tamondong, at marami pang iba.

Bukod diyan, may inihandang sorpresa raw si Willie para sa kanyang mga tagasubaybay at fans, lalo na’t malapit na ang Christmas.

“Marami pa kaming sorpresa at regalo this coming Pasko. Itong October, anong mangyayari sa ‘Wil to Win?’ Abangan niyo po ang aming announcement,” sambit ni Willie.

Aniya pa, “Anong mangyayari sa TV5? Marami pong bago dito. Ang importante para sa inyo ito.”

Kamakailan lang, naging trending topic sa social media ang “Wil to Win” dahil sa ilang insidente, kabilang na ‘yung on air na pinapagalitan at pinagsasabihan ni Willie ang kanyang staff.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pati na rin ‘yung isang player na tatanggap sana ng cash prize via phone call, pero nang malaman na ito ay isang fan ng kabilang show na “Family Feud” ay binabaan niya ito ng telepono.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending