Misis ni Ka Tunying sa anak na may leukemia: I felt so guilty, I know in my heart, kasalanan ko... | Bandera

Misis ni Ka Tunying sa anak na may leukemia: I felt so guilty, I know in my heart, kasalanan ko…

Ervin Santiago - December 06, 2020 - 12:47 PM

TULUY-TULOY ang pagbuhos ng positibo at mga inspiring message mula sa mga netizens para sa anak ni Anthony Taberna  na nakikipaglaban ngayon sa leukemia.

Maraming nagpahayag ng kanilang paghanga sa katapangan ng 12 year old na si Zoey Taberna na sa murang edad ay dumaraan na sa matinding pagsubok ng buhay.

Kahit ang mga kilalang celebrities tulad nina 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach, Vhong Navarro, Atom Araullo, Melai Cantiveros, K Brosas at Darren Espanto ay nag-offer ng prayers para sa paggaling ni Zoey.

Sa pamamagitan ng kanyang Facebook at Instagram page,  ibinahagi ni Zoey ang kanyang nararamdaman sa pagkakaroon ng leukemia at kung paano niya ito hinaharap sa tulong ng pamilya at mga kaibigan.

Kamakailan, nagpasalamat din ang ama niyang si Ka Tunying sa lahat ng mga nagmamahal at nagdarasal para kay Zoey. Ibinandera rin niya ang paghanga sa katapangan ng anak lalo na nang i-post na ng bagets ang litrato niya na wala nang buhok dahil sa chemotherapy.

Kasabay nito, nagpahayag din ang asawa ni Ka Tunying na si Rossel Taberna ng saloobin tungkol sa kundisyon ng panganay nilang anak sa kanyang FB page.

“Today at 4:10pm: ‘Mommy, can I use my phone saglit po? I want to post something po and there’s one photo that I wanna post because I’m not scared anymore.’

“Feeling emotional today but Zoey’s message and post turned the emo Mom in me into one proud Mommah.

“Kahit na pinaiyak niyo na naman ako ng Daddy mo, I’m super happy cos you’ve finally decided to show the world how beautiful you are- with or without hair.”

Patuloy pa ng mommy ni Zoey, “A year ago when you were diagnosed with Leukemia, I was so scared and regretful. I cannot help but blame myself.

“Bakit hindi ko nalaman sooner? Why didn’t I noticed your abrupt weight-loss? I felt so guilty for being extra busy and I know in my heart, kasalanan ko.

“But I am also blessed with a very loving and supportive husband. He would always remind me that it’s no ones fault and that we are just facing a major life challenge.”

Patuloy pa niyang pahayag, “Takot na takot ako, Atch pero napakatapang mo. You don’t even complain and it hurts me even more. Kahit alam ko na masakit na masakit, you tried to stay calm because you didn’t want us to worry.

“Ni ayaw mo kami gisingin ni Daddy mo pag madaling araw when you want to pee dahil ayaw mo kami maabala. Cos you know we’re always tired. Sobrang bait mo, anak.

“I know a lot of you do not know what really happened to Zoey. Ang iba naman especially our friends would always say ‘parang wala naman kayong pinagdadaanan’ and I will just stay quiet. Alam ko kasi sa puso ko, Anak na pinagagaling ka na Niya.

“At buo ang tiwala ko sa Diyos na dinirinig Niya ang ating mga panalangin at ang araw- araw nating pagpapahid ng langis.”

Sa huling bahagi ng kanyang post, nagpasalamat din si Rossel sa lahat ng patuloy na nananalangin para sa anak, “I just want to take this opportunity to say thank you to all of you who’s been sending their love for Zoey. To Zoey’s doctor, Dr. Allan Racho and all her other Doctors, nurses and staff in St. Lukes. Pamilya na po namin kayo.

“To all our friends who visited us in the hospital and always checking up on us. To our family for helping us take care of Zoey special mention Ate Heidi and of course Ate Nana.

“To our bunso, Scoopy for being extra understanding and for being responsible and independent kahit na madalas wala si Mommy and Daddy.

“To my husband for being the most positive human being in my world.Napaka-palad ko na ikaw ang katuwang ko sa buhay.

“To Zoey, anak for being strong and brave and for having a strong faith in Him. And to our Lord God for giving us strength in spite of all the struggles that we have been through and the new challenge we are facing right now. Kayo na po ang bahala sa amin.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“1 year down 2 more years to go for your complete healing, Atchi. Mahal na mahal ka namin,” mensahe pa niya kay Zoey.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending