Alex, Mikee nagpapatayo na ng dream house: Parang Samson and Delilah lang ang datingan... | Bandera

Alex, Mikee nagpapatayo na ng dream house: Parang Samson and Delilah lang ang datingan…

Ervin Santiago |December 02,2020
facebook
share this

Alex, Mikee nagpapatayo na ng dream house: Parang Samson and Delilah lang ang datingan…

Ervin Santiago - December 02, 2020 - 09:06 AM
BILANG paghahanda sa kanilang future, nagsimula na ang construction ng dream house ng engaged couple na sina Alex Gonzaga at Mikee Morada.

Sa kabila ng patuloy na banta ng pandemya, nagdesisyon na ang magdyowa na simulan na ang pagpapatayo ng magiging love nest nila.

Ibinandera ng actress-host-vlogger sa kanyang Instagram account ang lugar kung saan itatayo ang kanilang future house. Kasama rin niya si Mikee nang puntahan ang construction site.

Makikita sa background ng kanilang mga picture ang mga ginibang structure sa nasabing lugar para patayuan ng bagong bahay.

“Our demolish is halfway done to build our new and future home. Parang Samson and Delilah datingan namin pagkatapos magbabag,” ang hirit ni Alex sa inilagay niyang caption.

Nag-post din ang YouTuber ng ilang litrato sa Twitter with matching pa-holding hands pa with her fiancé. Mas seryoso naman ang mensaheng kalakip nito.

“Many are the plans in a man’s heart, but it is the Lord’s purpose that prevails. May God bless our future home,” sey ng TV host.

Nag-propose si Mikee kay Alex noong January, 2020 at nag-celebrate naman ang dalawa kanilang fourth anniversary last month.

Nakatakda sanang ikasal ang engaged couple nitong nagdaang Oktubre pero hindi nga ito natuloy dahil sabay silang nagka-COVID pati na ang mga magulang ni Alex.

Sa isang panayam naman, parehong sinabi nina Alex at Mikee na super excited na silang bumuo ng sarili nilang pamilya.

Sabi nga ni Mikee, “Everything. Everything is going to be a first. So excited to wake up in the morning tapos kasama ko siya.”

Aniya pa, swak na swak talaga sila ni Alex kahit pa magkaiba ang kanilang personalidad, “Yung pagiging bunso niya na personality, nag-jive siya sa pagiging panganay ko, dahil yung language of love ko automatic kasi yung pag-alaga, e.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kumbaga, du’n ako masaya. Sa kanya naman, yun ang hinahanap niya, naalagaan kasi bunso,” aniya pa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending