Paolo bilib sa pagiging rockstar ni Jamir Garcia: Pero mas tiningala kita sa iyong pagiging ama! | Bandera

Paolo bilib sa pagiging rockstar ni Jamir Garcia: Pero mas tiningala kita sa iyong pagiging ama!

Ervin Santiago - December 02, 2020 - 09:05 AM
SALUDO si Paolo Contis sa pagiging mabuti at responsableng tatay ng yumaong bokalista ng Slapshock na si Jamir Garcia.

Binigyan ng Kapuso actor-host ng pa-tribute ang kanyang kaibigang OPM rock icon sa pamamagitan ng Instagram.

Ipinost ni Paolo sa kanyang IG page ang isang litrato kung saan kasama rin nila ang kani-kanilang pamilya. Aniya sa caption, wala siyang masasabi sa pagiging ama ni Jamir sa kanyang mga anak.

“Maraming tumitingala sa ‘yo bilang ROCKSTAR! Pero mas tiningala kita sa iyong pagiging AMA! @jamir_garcia,” bahagi ng mensahe ng aktor para sa kanyang kumpare.

Isa si Jamir sa mga ninong ng anak nila ni LJ Reyes na si Summer Ayanna kaya mas doble ang kalungkutan at panghihinayang na kanyang nararamdaman sa pagkamatay ng sikat na singer.

Dagdag pang pahayag ni Paolo, “Kumpare, I promise to share our great memories to your inaanak! Until we meet again!”

Isa lamang si Paolo sa mga local celebrities na talagang naapektuhan sa biglang pagkawala ni Jamir. Nagbigay-pugay din sa Slapshock vocalist sina Chito Miranda ng Parokya ni Edgar at Kean Cipriano ng Callalily.

Noong Nov. 26 ng umaga, natagpuang walang buhay si Jamir sa loob ng kanilang bahay sa Brgy. Sangandaan, Project 8, Quezon City.

Agad siyang isinugod sa Metro North Medical Center Hospital ngunit idineklara siyang dead on arrival.

Ang Slapshock ay binubuo nina Jamir, Lean Ansing, Jerry Basco, Lee Nadela at Chi Evora. Nabuwag ang grupo matapos magkaroon ng kung anu-anong issue kabilang ang usapin tungkol sa pera.

Ilan sa mga kantang pinasikat ng Slapshock ay ang “Cariño Brutal,” “Langit,” “Agent Orange,” “Salamin,” “Luha,” at “Anino Mo.”

Nagpasalamat naman ang partner ni Jamir na si Jaya sa lahat ng nakiramay sa kanilang pamilya at sa lahat ng nagdasal para sa yumaong singer.

“Nagpapasalamat ako sa lahat ng nakiramay sa amin. Gusto ko sana tuluy-tuloy at sama-sama nating alayan ng dasal si Jamir,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nabatid na pansamantala munang itatago ng pamilya ang abo ni Jamir habang hinihintay ang pagdating ng kanyang tatay na uuwi sa Pilipinas mula sa Amerika.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending