Barbie sa mga cheater: Kung sino pa yung nanloko, sila pa ang pa-victim | Bandera

Barbie sa mga cheater: Kung sino pa yung nanloko, sila pa ang pa-victim

Ervin Santiago |November 27,2020
facebook
share this

Barbie sa mga cheater: Kung sino pa yung nanloko, sila pa ang pa-victim

Ervin Santiago - November 27, 2020 - 09:14 AM

“WAG kayong pa-victim!” Ito ang hugot ng Kapuso actress na si Barbie Forteza sa mga taong manloloko pero sila pa ang talak nang talak.

May bagong paandar si Barbie sa kanyang YouTube channel, ito yung bago niyang segment na pinamagatang “Deal With Barbie,” kung saan sinagot niya ang ilan sa mga love problems ng kanyang fans and YT subscribers.

Isa sa mga tanong na ipinadala kay Barbie ng isang netizen ay ang walang kamatayang issue tungkol sa “cheating” o panloloko.

“Bakit mayroon tayong nagiging karelasyon na sila na nga ‘yung nag-cheat, pero sila pa ‘yung lumalabas na biktima?” ang hugot ng kanyang subscriber.

Bago sagutin ng girlfriend ni Jak Roberto ang tanong, natawa muna ang dalaga sabay dialogue ng, “Oh my gosh, parang biglang may nag-flashback sa akin. Chareng!”

“Feeling ko kasi ‘yung mga nag-cheat, feeling ko ano nila ‘yun eh, defense mechanism.

“‘Yung dahil sila kasi ‘yung may kasalanan, sila ‘yung nanloko so sila ‘yung kuda nang kuda. Alam mo ‘yon?

“Sila ‘yung mas super explain ng sitwasyon kasi nga dine-defend nila ‘yung sarili nila kasi guilty sila.

“Hindi mo kailangan maging pa-victim din as long as alam mo kung ano nangyari, malinis ang kunsensiya mo, you have nothing to worry about. Okay?” tuluy-tuloy na pahayag ng Kapuso star.

Tungkol naman sa mga taong naloko na at natatakot nang magmahal uli lalo na sa mga na-trauma sa kanilang past relationships, sinabi ni Barbie na hindi mali ang makaramdam ng ganito.

“That’s fine, that’s totally normal. Whatever you’re feeling is valid. Okay?

“‘Wag mong isipin na mali ka dahil takot kang umibig ulit. Hindi totoo ‘yon. It’s completely normal and karapatan mo ‘yon.

“Kasi nga ‘eh grabe ‘yung nangyari sa ‘yo sa past relationship mo, eh. So, siyempre like all wounds, you need time to heal.

“Pero huwag naman forever kasi malay mo, ‘yung taong nagta-try na pumasok sa puso mo, ‘yun na pala ‘yung forever mo, ‘di ba?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“You might end up thanking the person na nanakit sa’yo dati kasi kung hindi ka niya sinaktan, di mo makikilala ‘yung perfect na tao para sa ‘yo,” positibo pang pahayag ni Barbie.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending