Rocco bibida sa life story ni Mike Enriquez; Rayver, Rodjun may pasabog sa concert ni Alden
EXTRA special ang episode bukas (Nov. 28) ng “Imbestigador” para sa kanilang 20th anniversary, dahil mismong ang “Imbestigador ng Bayan” na si Mike Enriquez ang bibida sa longest-running investigative program ng GMA 7.
Sa natatanging pagganap ni Rocco Nacino, mapapanood sa anniversary episode na ito kung paano naging bahagi ng broadcast industry si Mike na halos 50 years na rin pala sa industriya.
Sa loob ng dalawang dekada, marami nang natulungan ang “Imbestigador.” Patuloy ring kinikilala ang programa bilang isa sa top-rating shows ng GMA Public Affairs.
“Ang Imbestigador hindi ako, ang Imbestigador ay kung ano ang ginagawa ng programa,” pahayag ni Mike.
“Sa tingin ng mga tao, sa pagtanggap ng mga tao, ang Imbestigador ay may naitutulong sa buhay nila, kaya hanggang ngayon nandito pa ang Imbestigador,” dagdag pa niya.
Bukod kay Rocco, mapapanood din sa “Imbestigador ng Bayan” episode sina Gina Alajar at Nonie Buencamino. Ngayong Sabado na ang anniversary special na ito, 4:45 p.m., pagkatapos ng “Wish Ko Lang”.
* * *
Special guest ni Alden Richards sa kauna-unahang virtual reality concert sa bansa na “Alden’s Reality” ang celebrity brothers at Kapuso performers na sina Rodjun at Rayver Cruz.
Sa darating na Dec. 8, ise-celebrate ng Asia’s Multimedia Star ang kanyang ika-10 na anibersaryo sa showbiz sa pamamagitan ng concert na ito.
Bukod sa mga inihanda niyang world-class performance numbers, kasama rin niyang magpapakitang-gilas ang OPM band na December Avenue at magkapatid na Rodjun at Rayver.
Siguradong jampacked sa saya at kilig ang once-in-a-lifetime event na ito.
Ang mga bumili ng VIP tickets na narito sa Pilipinas ay makakatanggap ng limited edition VR device na magagamit nila para sa mas pinagandang viewing experience.
Balita namin, soldout na ang VIP tickets para sa 11 PM slot! Kaya sa mga hindi pa nakakabili ng tickets, bisitahin na ang https://www.gmanetwork.com/synergy bago pa maubusan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.