Jameson, Joao umaming naging 'marupok' habang naka-lockdown | Bandera

Jameson, Joao umaming naging ‘marupok’ habang naka-lockdown

Ervin Santiago |November 19,2020
facebook
share this

Jameson, Joao umaming naging ‘marupok’ habang naka-lockdown

Ervin Santiago - November 19, 2020 - 09:27 AM

“MARUPOK lang po!”

Ito ang ginawang pag-amin nina Joao Constancia at Jameson Blake nang mapag-usapan ang tungkol sa naging experience nila noong kasagsagan ng lockdown dulot ng COVID-19 pandemic.

Sa guesting ng dalawang bida ng Boys’ Love (BL) movie na “My Lockdown Romance” sa nakaraang episode ng “Magandang Buhay” unang natanong kung may lovelife ba sila ngayon.

Ayon kina Jameson at Joao, pareho silang single ngayon. Huling na-link si Jameson kay Elisse Joson habang ang last girlfriend naman ni Joao ay si Sue Ramirez.

Kaya naman ang sumunod na tanong sa kanila ay kung ano ba ang mga qualities na hinahanap nila sa isang girl.

Sey ni Jameson, “Actually depende talaga. Siyempre fun to talk to. Simple lang as in. Nahihirapan ako mag-describe, pero siyempre respectful, loving and family-oriented din.

“Actually ‘yun lang ang ini-expect ko. Sa physical, medyo matangkad siguro, slim, long hair,” dagdag pa ng aktor.

Sagot naman ni Joao, “Mahilig ako sa mga babae na who is very loving, who I can connect on a deeper level po. Fun to talk to.

“Pagdating naman sa physical traits, I don’t really mind kung whatever she looks like as long as she’s respectful, loving and beautiful. I’m pretty sure all of them are beautiful naman,” pahabol pa ng binata.

Kasunod nito, umamin nga ang dalawa na may pagkakataong naging marupok din sila habang “naka-house arrest” sila noong ipinatutupad pa ang enhanced community quarantine.

“I just remembered there was this time na I was talking with someone a girl, non-showbiz siya.

“May mga times na mag-uusap kami, conversations, tapos may mga time na hindi magre-reply. I’m like, ‘okay baka busy.’

“After two days, I start the conversation ulit para mag-usap kami. I think sign din ‘yon ng marupok, I guess,” kuwento ni Jameson.

Sey naman ni Joao, “Ako naman, yeah. Dahil ako lang mag-isa sa condo. I guess, I tried to talk with some of my friends, tried to reconnect with them.

“I guess I became marupok din dahil I got to meet new people and got to talk to them for a while pero hanggang doon lang naman po,” nakangiting paliwanag ng Kapamilya singer-actor.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Payo naman nina Joao at Jameson sa lahat ng kabataan, okay lang  namang maging marupok hangga’t wala itong masamang idudulot sa ito at sa mga taong nasa paligid mo.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending