Donation drive ni Vice inokray, dapat daw tularan sa Willie: After mong magbakasyon hihingi ka ng donasyon?

Ervin Santiago |November 18,2020
share this

Donation drive ni Vice inokray, dapat daw tularan sa Willie: After mong magbakasyon hihingi ka ng donasyon?

Ervin Santiago | November 18,2020 - 11:23 AM

KALIWA’T KANANG pambabatikos ang natikman ni Vice Ganda mula sa ilang netizens matapos maglunsad ng fundraising campaign para sa nasalanta ng sunud-sunod na bagyo sa bansa.

Hindi kasi sang-ayon ang mga ito sa paghingi ng donasyon ng TV host-actor mula sa ibang tao, dapat daw tumulong na lang siya gamit ang kanyang kayamanan.

Kamakailan, sinimulan ni Vice ang “FUNDkabogable Donation Drive” para sa mga gustong mag-share para makatulong sa mga nabiktima ng bagyong Ulysses na ikinatuwa naman ng kanyang mga fans.

Ngunit may ilan ngang nambasag kay Vice na nagsabing dapat niyang tularan ang mga celebrities na tumutulong gamit ang kanilang sariling pera tulad nina Willie Revillame, KC Concepcion at Heart Evangelista.

“Better kung ibebenta mo yong mga sasakyan mo or yong milyon milyon mong banyo ang halaga,” komento ng isang netizen na siya ngang nagbanggit kay Willie na nagbenta pa ng luxury car para makapag-donate sa nga nasalanta sa Marikina City.

Sey naman ng isa pang netizen, “Magdonate din po kau galing sa yaman nyu di puro fundraising galing sa bulsa ng ibang tao tpos kanino mapupunta ang credit aberrr lamm naa.”

“Why are you asking for help when you can very well donate on your own. What with your massive display of (y)our wealth supposedly? I can’t believe you!” hirit ng isa pang Facebook user.

At ito pa, “AFTER MO MAG BAKASYON HIHINGI KA NG DONASYON?” na ang tinutukoy ang ang pagbabakasyon nila ng kanyang boyfriend na si Ion Perez sa Balesin island kung saan sila inabutan ng bagyo.

Sa nakaraang episode ng “It’s Showtime” rumesbak si Vice sa mga bashers at nilinaw na hindi lang siya umaasa sa donasyon ng ibang tao para makatulong.

“Nakakatawa lang kasi may mga nagko-comment lang na, ‘Di ba, ang dami mong pera? Bakit ka nanghihingi ng donasyon?’

“Parang mga baliw. Hindi po para sa akin ang donasyon na ito, at hindi ko po ito ginagawa para makatakas sa pagdo-donate. Makakaasa po kayo na may personal po akong donasyon na ibinibigay,” paliwanag ng komedyante.

Aniya pa, “Ginagawa ko po ito para sa madlang pipol sa mga kaibigan, sa mga Little Ponies (tawag niya sa kanyang fans), na gustong mag-ambag at gustong pagsama-samahin yung kanilang mga donasyon.

“Ako na po ang nagkokolekta noon, tapos ako ang mamimili, at ako na rin po ang magpapadala. Para nasa bahay na lang kayo,” sabi pa ni Vice na nakalikom na ng mahigit P700,000 mula sa kanyang fundraising project.

Samantala, binalaan naman ng TV host ang madlang pipol sa mga scammer na gagamitin ang typhoon victims para makapanloko at magkapera.

“Alam ko pong maraming gustong tumulong, pero hindi alam ang gagawin, magpadala po kayo sa Sagip Kapamilya at FUNDkabogable para iwas-scam, okay?

“Hindi natin mawawaglit na sa mga pagkakataong ito ay may iskamero at iskamero pa rin. Kaya, please, mag-ingat po kayo para hindi masayang ang kagandahan ng loob n’yo,” paalala pa ni Vice.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending