Jessy binatikos sa bikini photo: Guys, t*ng* na lang maniniwala diyan
GALIT na galit kay Jessy Mendiola ang mga netizens matapos kumalat sa social media ang kanyang bikini photo.
Kaliwa’t kanang batikos at pang-ookray ang natikman ng girlfriend ni Luis Manzano dahil sa nasabing litrato kung saan idinamay pa ang yumaong OPM legend na si Rico J. Puno.
Kaya naman agad na nag-post si Jessy sa kanyang Instagram Stories para ipagtanggol ang sarili sa mga netizens na agad nang-judge at nambastos sa kanya.
Ayon sa dalaga, fake at edited ang kumalat na litrato niya sa socmed kung saan nakasuot siya ng red and blue swimsuit at may caption na, “RIP Rico J. Puno.”
Noong 2018 pa sumakabilang-buhay si Rico J. Puno kaya halatang may mga tao talaga na gustong ipahiya at ibagsak si Jessy.
Reaksyon naman dito ng aktres, “Guys, tanga nalang maniniwala na I posted this. Please refrain from retweeting or reposting this. Edited pic.”
Nakiusap din siya sa mga taong walang magawa sa buhay kundi ang gumawa ng fake na balita at manira ng kapwa na respetuhin naman sana ang pumanaw na music icon.
“Respeto naman sa sumakabilang buhay,” ani Jessy.
Kasunod nito, pinayuhan niya ang madlang pipol na huwag basta-basta maniniwala sa lahat ng naka-post sa social media dahil baka sila pa ang mapahamak sa ending.
Maging mapanuri rin daw sa mga nababasa sa socmed dahil sandamakmak na rin ang sindikato at scammer sa internet. Aniya, “Wag maniwala sa lahat ng nakikita online.”
Samantala, nanawagan naman si Jessy sa lahat ng kanyang socmed followers na mag-donate para sa libu-libong pamilyang nasalanta ng bagyong Rolly at Ulysses.
Nag-post ang dalaga sa kanyang Instagram account ng litrato kung saan may nakasulat na, “Pray for the Philippines.” Nakalagay din dito ang mga numero at bank account ng grupong Rock Ed Philippines na patuloy na nagsasagawa ng relief operations para sa typhoon victims.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.