Klase sa Cagayan, suspendido hanggang Nov. 30 | Bandera

Klase sa Cagayan, suspendido hanggang Nov. 30

Ulat ng Bandera at Radyo Inquirer - November 17, 2020 - 05:18 PM

Lubog sa may pitong talampakang tubig halos ang buong Tuguegarao City sa kasagsagan ng Bagyong Ulysses. (Photo courtesy of David Te)

Mananatiling suspendido ang klase sa buong probinsya ng Cagayan hanggang sa November 30.

Sakop nito ang lahat ng antas sa mga pribado at pampublikong paaralan.

Ayon sa Cagayan Public Information Office, idineklara ito ni Gov. Manuel Mamba dahil sa iniwang matinding pinsala ng malawakang pagbaha sa probinsya dulot ng Bagyong Ulysses.

Sinabi ng gobernador na layon nitong mabigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral, guro at magulang na tutukan muna pagsasaayos sa kanilang tahanan, kagamitan at kabuhayan.

Kailangan ding mabigyan ng panahon ang pagsasaayos sa sektor ng edukasyon.

Samantala, balik-trabaho na ang mga kawani ng gobyerno sa Cagayan sa araw ng Miyerkules, November18.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending