Bagsik ni 'Neneng' ramdam pa rin sa Pinas, ilang klase sa Northern Luzon suspendido | Bandera

Bagsik ni ‘Neneng’ ramdam pa rin sa Pinas, ilang klase sa Northern Luzon suspendido

Pauline del Rosario - October 17, 2022 - 11:21 AM

Bagyong Neneng outside PAR

Bagyong Neneng outside PAR (PHOTO: Facebook/Dost_pagasa)

KAHIT nakalabas na ng ating bansa ang bagyong “Neneng,” patuloy pa rin itong nagpapaulan sa ilang lugar sa Northern Luzon.

Ito ay dahil sa tinatawag na “trough” o extension ng bagyo na may, ayon sa press briefing ng PAGASA ngayong araw, Oct. 17 kaninang 4:00 a.m.

Kagabi pa nakaalis ng ating teritoryo ang bagyo at papunta na ito sa bahagi ng China.

Ayon kay Weather Forecaster Aldczar Aurelio, “Kagabi po around 8, lumabas na po ng PAR ang bagyong Neneng at kasalukuyan ay patuloy itong kumikilos palayo sa ating bansa at maaaring tumbuking ang Hainan province sa Southern China.”

Sinabi rin ng PAGASA na may nakataas pa ring “gale warning” o matataas na alon sa karagatan ng Northern Luzon.

Kabilang na riyan ang “seaboards” ng Batanes, Babuyan Islands, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, at Pangasinan.

Abiso ni Aurelio sa mga mangingisda, “Automatic po kapag may gale warning, bawal pong pumalaot ang ating mga kababayan dahil sa matataas na alon.”

“Ang taas ng alon po ay umaabot po ng hanggang 4.5 meters,” aniya.

Base rin sa “forecast monitoring” ng ahensya ay may nakikita silang namumuong sama ng panahon sa loob ng ating “area of responsibility” o PAR.

Posible raw na magkaroon ng panibagong “low pressure area” o LPA sa may Visayas.

“Kung mapapansin ang mga kumpulang mga kaulapan sa bandang dagat Pasipiko sa bandang east ng Visayas ay posibleng may mabuong low pressure area,” babala ng PAGASA.

Samantala, Nagsuspinde ng klase ngayong araw, Oct. 17, ang ilang paaralan sa Northern Luzon dahil sa epekto ni bagyong Neneng.

ALL LEVELS

  • Kapangan, Benguet

  • Abulug, Cagayan

  • Aparri, Cagayan

  • Sanchez Mira, Cagayan

  • Camalaniugan, Cagayan

  • Buguey, Cagayan

  • Claveria, Cagayan (including all government work except for frontline services)

  • Laoag City, Ilocos Norte

  • Batac, Ilocos Norte

PRESCHOOL TO SENIOR HIGH SCHOOL

  • Ballesteros, Cagayan

Read more:

Bagyong Neneng tumama sa Cagayan, signal no. 3 itinaas na

Bagyong ‘Neneng’ tatama sa Batanes o Babuyan Islands, Signal #3 posibleng itaas sa Luzon

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bagyong Neneng ‘mananalasa’ sa Northern Luzon; 1 pang bagyo sa labas ng bansa binabantayan ng PAGASA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending