Klase sa Occidental Mindoro #WalangPasok ng 3 araw  | Bandera

Klase sa Occidental Mindoro #WalangPasok ng 3 araw 

Pauline del Rosario - April 03, 2023 - 05:21 PM

Balita featured image

SUSPENDIDO ang klase sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa Occidental Mindoro simula April 3 hanggang 5.

Ito ay ipinag-utos ni Occidental Mindoro Governor Eduardo Gadiano dahil sa nararanasang power outages ng probinsya.

Sa isang executive order, sinabi ni Gadiano na ang classes suspension ay makakaiwas sa posibleng panganib sa kalusugan at kaligtasan, lalo na’t mainit ang panahon.

Matitiyak din, aniya, ang “physical and mental well-being of learners and school personnel.”

Matagal nang nakakaranas ng power outages ang probinsya na nagtatagal ng 16 hanggang 20 na oras sa isang araw.

Noong March 31, naglabas din ng resolusyon ang provincial board na suspendihin ang mga klase sa Occidental Mindoro simula April 3 hanggang 4 dahil sa tinawag nilang “power crisis.”

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ang pinakamataas na “heat index” o nararamdamang alinsangan na naitala ngayong taon ay 47 degrees Celsius sa bayan ng San Jose sa Occidental Mindoro noong March 25 at sa Butuan City sa Agusan del Norte noong March 24.

Baka Bet Mo: Oil spill sa Oriental Mindoro patuloy na kumakalat, 24k ektarya ng coral reef ‘nanganganib’

Noong March 30, sumulat ng online open letter ang concerned citizen na si Nikki delos Reyes para sa mga lokal na opisyal.

Nananawagan siya na suspendihin ang trabaho at klase sa probinsya dahil sa patuloy na power outages.

“Hindi sapat ang tulog at pahinga, lalo na para sa mga batang may sakit at matatanda; naaapektuhan din ang araw-araw na operasyon ng mga negosyo at kita,” sabi ni Delos Reyes.

Malaking bahagi ng nasabing probinsya ang nakakaranas ng mga “blackout” dahil sa lapsed supply agreement sa pagitan ng Occidental Mindoro Electric Cooperative at ng Occidental Mindoro Consolidated Power Corp. na nagpapatakbo ng bunker-fired diesel power plant sa bayan ng San Jose.

Read more:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Maxene Magalona malalim ang hugot sa ‘toxic relationship’: ‘Heal your wounds and transform yourself’

DSWD pinalawig ang ‘cash-for-work program’ sa Oriental Mindoro na apektado ng oil spill

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending