Basher minura ni K Brosas: Nasa mood akong pumatol dahil may COVID ang kapatid at mama ko | Bandera

Basher minura ni K Brosas: Nasa mood akong pumatol dahil may COVID ang kapatid at mama ko

Ervin Santiago - November 14, 2020 - 11:15 AM


TINAWAG na “kampon ng demonyo” ni K Brosas ang mga taong patuloy ang paghahasik ng kanegahan sa kabila ng mga nangyayari ngayon sa bansa.

Hindi pinalampas ng komedyana ang isang basher sa social media na tumawag sa kanya ng “inutil” matapos mag-react tungkol sa mga walang kuwentang public official.

Kasabay nito, ibinalita niya sa madlang pipol na parehong nakikipaglaban ngayon sa COVID-19 ang nanay niya pati ang kapatid niyang nurse na nasa Italy.

Unang tweet ni K Brosas, “Ang daming nangyayari Di maganda…SA bansa at SA personal kong pinagdadaanan now..

“Parang bibigay nako SA totoo lang pero dasal Lang talaga magagawa ko.. SA mga nasalanta NG bagyo at may iba pang problema. Kasama kayo SA dasal ko.

“Pinagdaanan ko yung feeling na helpless ka.. nung ondoy, 3 araw kami SA bubong.. nalimas lahat NG gamit at napundar ko as in LAHAT kc bungalow haws ko non.

“Hindi Makalabas kc lakas NG current NG baha.. kaya naaalala ko lahat now yung trauma. Pls pray and help kung kaya,” sey ng singer-comedienne.

Hirit pa niya, “Kaya masakit at nakaka galit na may ibang government officials na uunahin pa ang shutanginamez na Dolomite at isisisi pa SA tao bakit sila nasalanta.. anyare?!?! Haaaay! God help us all!”

May isang netizen ang nagkomento rito at tinawag nga siyang inutil kaya sa inis ng komedyana minura niya ito at tinalakan.

Ipinost muna ni K ang comment ng basher na, “Isa kang inutil K Brosas! #NasaanAngArtista #NasaanAngShowbiz” saka niya ito sinermunan.

“Itong g*g*ng to puro inutil ang posts SA mga artista. May 2020 nag start SA twitter kaya alam na.

“Nasa mood akong pumatol ngayon dahil may covid ang kapatid ko at mama ko na nasa emergency room now!

“Mas madami pang nagawa mga artista kesa sa mga kakulto mo g*g*!!!”

Patuloy na bwelta ng singer, “May covid pa baka nakakalimutan nyo… ang italy naging ok pero now madami uli..

“Sister kong nurse meron na at halos buong hospital nila.. dahil SA kanya naka tira mama ko nahawa din at nasa emergency room now at wala akong balita kaya wag ngayon mga kampon NG dimunyu!!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Marami namang netizens ang kumampi kay K at binanatan din ang basher. Nag-promise din sila sa komedyana na ipagdarasal ang paggaling ng kanyang nanay at kapatid.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending