Nadia Montenegro iyak nang iyak matapos masalanta ni Ulysses: Wala kaming na-save…
WALANG na-save na gamit si Nadia Montenegro mula sa kanilang bahay nang rumagasa na ang baha sa kanilang lugar dulot ng Bagyong Ulysses.
Iyak nang iyak na nagkuwento ang aktres sa isang video na ipinost niya sa Instagram kung saan makikita rin kung paano tinangay ng mataas na tubig-baha ang kanilang mga kagamitan.
Aniya, napakabilis nang pagpasok ng baha sa bahay nila sa Town and Country Executive Village sa Marcos Highway kaya naman ang naisip na lang nila ay iligtas ang kanilang mga sarili.
“Hi, guys! Good morning, it’s the morning after. Watching the news. We’re all safe, me and the kids although watak-watak kami. Wala lang akong makausap. I’m so used to being the one on the other side helping,” simulang pahayag ni Nadia.
“Kaya hopeless ako ngayon kasi hindi ako makatulong. Pero I’m so grateful to be on the other side with all the help that we are receiving … all the love that we are receiving from each and everyone of you,” dagdag pa ng aktres.
Tinangka rin daw nilang sagipin ang kanilang mga sasakyan pero biglang bumigay ang creek sa likod ng bahay nila kaya mabilis na rumagasa ang tubig papasok ng kanilang tahanan.
Kuwento pa niya, “Ang bilis-bilis po ng pangyayari kahapon. Bumigay po ang wall ng creek sa tabi ng bahay namin while we were trying to save the cars.
“Nalingat lang po kami the water from the back of the house doon po dumaan and then umabot na kaagad ng hita, tapos umabot kaagad ng bewang. In short, wala kaming na-save, wala kaming nakuha but those are material things. Pero gayon naiintindihan ko na kasi nangyari sa akin ito.
“I pray for everyone who got affected by the typhoon. If there’s one thing I want to share eh ‘yun nga sabi ko sa post ko natangay man ni Ulysses lahat, nakuha man niya lahat pero grateful lang ako na lalong tumibay ang faith ko.
“I know God has a reason for all of these. I just thank him na malakas ako sa panalangin ko sa kanya.
“Wala kaming nakuha, wala kaming nadala. Pero okay lang ‘yan papalitan lahat ‘yan. Basta safe kaming lahat,” ang positibo pang pananaw ni Nadia sa mga nangyari.
Sa kabila ng mga nangyari, nananatili ang pananampalataya ni Nadia sa Diyos. Nag-alay pa nga siya ng dasal para sa lahat ng mga nabiktima ng bagyo kasabay ng pagpapasalamat sa lahat ng tumutulong ngayon sa kanyang pamilya.
“Many lives are lost and I ask you to please continue to pray for them. Matibay ang Filipino pero mas matibay tayo kapag mayroon tayong Diyos sa buhay natin.
“And I know that this is just a test, a trial, a sad one. It’s a dark time for me but my faith is just so much stronger and I feel so much loved from all the support.
“Thank you. I’ll be fine, we’ll be okay. Ulysses didn’t damage me, he affected my but he didn’t damage me. Thank you to all of you. Alam niyo kung sinu-sino kayo. Maraming salamat,” ang mensahe pa ni Nadia sa lahat ng nagmamahal at tumutulong ngayon sa kanilang pamilya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.