Sylvia bumalik ang trauma dahil kay Ulysses: Nangangatog ang buong kalamnan ko... | Bandera

Sylvia bumalik ang trauma dahil kay Ulysses: Nangangatog ang buong kalamnan ko…

Reggee Bonoan - November 13, 2020 - 12:40 PM

LABING-ISANG taon na ang nakararaan nang mabiktima ng bagyong Ondoy ang pamilya Atayde na noo’y nakatira pa sa Riverside Village Ortigas, Pasig City.
Talagang na-trauma ang buong pamilya ni Sylvia Sanchez nang maganap ang nabanggit na kalamidad.

Set. 24, 2009 nang gawing dagat ng bagyong Ondoy ang buong Metro Manila at anim na buwang buntis noon si Sylvia sa bunsong anak na si Xavi kaya ganu’n na lang ang takot niya.
Inabot na kasi ang bahay nila sa ikalawang palapag kaya hindi na nila alam kung ano ang mga mangyayari sa susunod na mga oras.

Kaya dali-daling nagdesisyon ang mag-anak na lumikas na at nagbilin na nga sina Ibyang sa mga anak na sina Arjo, Ria at Gela kung saan ang meeting place nila dahil hindi naman sila puwedeng sabay-sabay sumakay sa rubber boat.
Hanggang sa makarating na sila sa ligtas na lugar at sa bahay ng magulang ng asawang si Art Atayde sa isang subdivision sa Quezon City sila pansamantalang nanirahan.

At simula nu’ng iwan nina Ibyang ang bahay sa Riverside ay hindi na niya ito binalikan dahil may trauma na nga, kaya nagdesisyon silang maghanap ng bahay na hindi inaabot ng baha at sakto nakakita naman sa Quezon City kung saan masaya silang naninirahan ngayon nang mahigit isang dekada na.

Muling naramdaman ni Sylvia ang traumang iyon nang rumagasa ang bagyong Ulysses nitong Nob. 11 sa buong Luzon kung saan maraming nawalan ng bahay ang mga kakabayan natin sa Bikol, Quezon, Montalban at Marikina City.

Base sa post ng aktres sa kanyang Facebook page nitong Huwebes, Nob. 12, “Akala ko wala na ang trauma ko sa Ondoy, na ok na ako sa nangyari sa amin noong 2009. Ngayon ko lang nalaman na di pa pala ako totally naka-get over sa nangyari sa amin noon.

“Mula paggising ko kaninang umaga (Huwebes) hanggang ngayon, nangangatog pa din ang buong kalamnan ko sa lahat ng mga nakita’t narinig ko. Ang bigat sa dibdib.

“Alam ko kung gaano kahirap ang sitwasyon na ‘yan at kung gaano kabilis rumagasa ang tubig. Naranasan namin yan. Nakakatakot!

“Ang tanging maitutulong ko lang ay ang ipagdasal kayong lahat at gumawa ng paraan na makatulong pag humupa na ang lahat ng ito.

“Panginoong JESUS, patnubayan nyo po kaming lahat. Kayo lang po higit sa lahat ang tanging makakatulong sa amin. LORD, your will be done po,” ang mahabang pahayag ng aktres.

Ang payo naman ng kaibigan ni Ibyang na si Lucia Chiasson sa kanya, “You never get over it specially if you are reminded constantly with the crisis and global warming. You need to get help by talking to psychologist.

“Talk about it. It will help. You were traumatized and it’s hard to get over that. Your having anxiety attacked. You need to meditate and relaxed.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sagot naman ng aktres, “Yes, kilala mo ako, alam mo kung gaano ako katapang, ang bilis kong makapag adjust, pero kanina nagulat ako, numb katawan ko at nangangatog. Flashback lahat mga ngyari sa amin. Yes, ok na ako nakatulog na.

“First time kong naranasan ‘to. Nangatog talaga buong katawan ko namanhid. Noong nakita kong rumaragasa yong tubig at nasa taas ng bubung mga tao.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending