Ano ang totoong ikinapraning ni Bitoy nang tamaan ng COVID-19?
MAY isang naranasan si Kapuso Comedy Genius Michael V nu’ng nakikipaglaban siya sa COVID-19 na talagang ikinapraning niya nang bonggang-bongga.
Okay na okay na uli ngayon ang health condition ni Bitoy matapos ang ilang buwang pagpapagaling at pagse-self quarantine sa kanilang bahay.
Naikuwento ng TV host-comedian sa “Unang Hirit” ang ilang detalye sa kanyang recovery mula sa COVID-19.
Ayon kay Bitoy, maswerte pa rin siya dahil “minimal symptoms” lamang ang na-experience niya nang tamaan ng killer virus.
“Kagaya nu’ng iba, hindi naman ganu’n kahirap ‘yung nangyari sa akin.
“Luckily dito lang ako sa bahay nag-quarantine and dito ko lang tinapos sa bahay ‘yung treatment ko and after a few weeks, ito na nga, 100 percent COVID free,” pahayag ni Michael V.
Ayon pa sa Kapuso comedian, hinding-hindi niya malilimutan ang araw nu’ng bigla na lang mawala ang kanyang pang-amoy. Du’n daw siya nakumbinse na meron na siyang COVID.
“’Yung (pagkawala) pang-amoy ang nakakapraning. Hindi talaga ganu’n kadaling tanggapin kasi parang ‘yun ‘yung naging sign for me na mayroon ako.
“‘Yun ‘yung nagpatunay sa akin na nagkaroon ako ng COVID. Du’n na kami naiyak ng asawa ko,” lahad pa ng Bubble Gang star.
Makalipas daw ang ilang linggong home quarantine at pag-inom ng mga gamot, unti-unti na ring bumuti ang kanyang kundisyon kasabay ng pagbalik ng kanyang pang-amoy.
Aniya, “Unti-unti siya in my experience. Tapos may mga nabasa ako online na parang pwede mong gawing mga exercises para bumalik ‘yung pang-amoy mo.
“Mayroon kang mga prutas, basta iba’t ibang klase ng amoy na aamuyin mo para ma-retrain ‘yung sense of smell. I think kasama du’n ‘yung lemon, rosemary,” payo pa ni Bitoy.
Kung matatandaan, inihayag ng komedyante sa publiko na nag-positive siya sa COVID-19 noong July sa pamamagitan ng ginawa niyang vlog sa YouTube at noong nakaraang Agosto naman niya ibinandera na isa na siyang COVID survivor.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.