Mambabatas nagpasalamat kay Velasco sa pagtatanggol sa Makabayan Bloc laban sa red tagging | Bandera

Mambabatas nagpasalamat kay Velasco sa pagtatanggol sa Makabayan Bloc laban sa red tagging

Karlos Bautista - November 05, 2020 - 12:11 PM

Pinasalamatan ni ACT Teachers Partylist Representative France Castro si House Speaker Lord Allan Velasco sa ginawa nitong pagtatanggol at pagbibigay proteksyon sa Makabayan Bloc sa harap ng pagbabansag na sila ay mga komunista.

“Lubos naming pinasasalamatan si Speaker Velasco. Yung ginagawa niyang pagtatanggol sa kanyang kasamahan,  lalo na siya ay Speaker,” wika ni Castro.

Noong Oktubre 27, kinastigo ni Velasco si Lieutenant General Antonio Parlade Jr., hepe ng Armed Forces of the Philippines Southern Luzon Command, matapos nitong paratangan ang mga progresibong kongresista at maging ang ilang sikat na artista na umano’y kasapi o simpatisador ng Communist Party of the Philippines (CPP).

“As Speaker of the House, I am duty-bound to protect them from potential harm due to these careless accusations so that they may carry their legal and constitutional mandate as members of Congress,” wika ni Velasco sa isang pahayag.

“General Parlade should be more circumspect and cautious in issuing statements against House members whose lives he may place at great risk and danger sans strong evidence,” dagdag pa niya.

Tinutukoy ni Velasco ang mga kongresistang kasapi ng Makabayan bloc na kinabibilangan ni Castro, Gabriela Party-list Rep. Arlene Brosas, Kabataan Party-list Rep. Sarah Elago at Bayan Muna Representatives Carlos Zarate, Ferdinand Gaite, at Eufemia Cullamat.

Ito ay bagay na ikinagalak ni Castro.

“Sa panahon ko sa [House of Representatives], ngayon lang nagkaroon ng Speaker na may written statement pa para protektahan ang Makabayan bloc mula red tagging,” wika ni Castro.

Una nang sinabi ni Parlade, tagapagsalita din ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), na ang mga kasapi ng Makabayan Bloc at maging si dating Bayan Muna Rep. Neri Colmenares ay under surveillance dahil sa pagiging “card bearing” members ng CPP.

Sinabi ni Parlade na ang impormasyon ito laban sa mga progresibong mambabatas  ay hindi galing sa militar kundi mismong sa mga dating kasapi ng CPP na nagbalik-loob na sa pamahalaan.

Kilalang kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Makabayan Bloc.

Matatandaan na noong 2016 sa kanyang talumpati sa 1st Infantry Division sa Labangan, Zamboaga del Sur ay una na ding sinabi ni Duterte na ilang partylist representatives sa Kamara ay may kaugnayan sa CPP at nagpopondo sa armed wing nito na New Peoples Army (NPA).

Sa ipinalabas na pahayag ni Velasco, sinabi niya na hindi tama ang red tagging na ginagawa ni Parlade sa mga kongresista.

“We may not not agree with them on certain issues but be mindful that these lawmakers are duly elected representatives of the people, and implicating them on issues that have yet to be substantiated Is uncalled for,” wika ni Velasco.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dahil sa ginagawang pagtatangol sa kanila ni Velasco, sinabi ni Castro na naramdaman nilang protektado sila.

“Kahit paano we feel protected and assured kami sa pahayag ni Speaker. Pero syempre ingat pa rin kami sa aming kaligtasan,” ani Castro.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending