Netizens naglabas ng ebidensya para patunayan ang tunay na ugali ni Rabiya Mateo | Bandera

Netizens naglabas ng ebidensya para patunayan ang tunay na ugali ni Rabiya Mateo

Ervin Santiago - November 03, 2020 - 01:43 PM

TODO tanggol pa rin ang mga netizens sa mga nambu-bully at patuloy na nanglalait kay Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo.

Mismong ang fans na ng beauty queen ang dumedepensa at nakikipagsagutan sa mga bashers na nagpo-post ng hate messages laban sa dalaga.

Sa katunayan, may dalawang netizens pa ang naglabas ng ebidensya para patunayang mabuting tao, humble at mapagmahal sa kapwa si Rabiya Mateo.

Ayon sa Facebook user na si Ramon Muñez, talagang nagsikap sa buhay si Rabiya at hindi naging hadlang ang kahirapan ng kanilang buhay para makatapos ng pag-aaral at magtagumpay.

“Years ago, she stayed at our boarding house for less than a semester while she was studying at the Iloilo Doctor’s College.

“She did not have money to pay for rent. She slept on the floor. Her roommates gave her a ‘banig’ so she would have something to sleep on.

“My mum asked her if she’ll be okay, and she said she’ll be fine. Through hard work, perseverance, and sheer grit, she graduated cum laude and now, the 2020 Miss Universe Philippines. Congratulations Rabiya Mateo! We’re proud of you!” ang mensaheng ipinost ng netizen sa Facebook.

Samantala, isa pang nakakakilala kay Rabiya na nagpakilalang si Nelly Cabales, ang nag-share ng kanyang nalalaman tungkol sa pagkatao ng dalaga.

Ibinahagi niya ang naging usapan nila noong nagpapahanap ng part-time job ang beauty queen para makaipon ng pera na balak niyang gamitin para sa kanyang board exam.

“You really deserve this success you achieved Rabiya Mateo. Yong SIPAG at TYAGA mo sa buhay nag bunga na.

“Just continue pursuing your dreams  and ignore the negativity of other people!!!!! IM SO PROUD OF YOU Bunso. Our Miss Universe Philippines 2020,” pahayag ni Nelly.

May nagkomento naman na huwag nang umepal ang mga nangnenega kay Rabiya dahil nasa kanya na ang korona at wala nang pwedeng bumawi rito dahil unang-una suportado ng MUP organizers ang winning moment ng dalaga pati na ng mga judges.

Halos lahat din ng nakapanood sa grand coronation night ay pabor sa pagkapanalo ni Rabiya na nakapagtapos ng Bachelor of Science degree in Physical Therapy mula sa Iloilo Doctor’s College sa Molo, Iloilo City.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Gumradweyt siya ng cum laude at nakapasa sa Physical Therapy Licensure Examination noong 2018.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending