Kilalang aktor in love na nga ba sa kanyang male personal assistant? | Bandera

Kilalang aktor in love na nga ba sa kanyang male personal assistant?

Reggee Bonoan - November 02, 2020 - 05:11 PM
TRULILI kayang attracted na sa kanyang kaibigang lalaki na naging personal assistant niya ang aktor na nagbida na sa ilang indie films?

Matagal na kasing napapansin ng mga katrabaho ng aktor kasama na ang taga-production na lahat ng sinasabi ng kaibigang lalaki at personal assistant ay sinusunod nito pero hindi naman nila nakitaan ng kakaibang kilos.

Ang aktor ay nanligaw sa isa ring aktres at ilang beses din silang nag-date, pero biglang nagtaka ang girl dahil ghinosting na siya ni boy at nalaman niya na hindi pala boto sa kanya ang personal assistant ng aktor.

So, dedma na rin si girl dahil katwiran niya ay hindi lang naman si aktor ang nanliligaw sa kanya, though nagkakaroon na rin sana siya ng gusto, buti na lang at nakilala niya nang mas maaga.

Heto na ang tsika sa amin ng aming source, “Nag-away sila (aktor at personal assistant) kasi tumanggap ng BL (Boys Love) project, e, hindi type ang co-actor.”

Inalam tuloy namin kung sino ang makakasama sana ng aktor sa nasabing project at nalaman naming guwapong aktor at mabenta rin sa mga gays and girls.

“Nagselos si _____ (kaibigan at personal assistant) kasi baka mataypan nga ni _____ (aktor), at yun ang ayaw niyang mangyari,” tsika pa sa amin.

Huh! ibig bang sabihin AC-DC (read: silahis) ang aktor?

‘’Hindi halata, ‘no?” sagot ng aming source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

In fairness, hindi talaga kasi wala sa kilos at pananalita at higit sa lahat tahimik pa. Sabagay, isang babae palang ang niligawan niya na hindi pa itinuloy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending