Chariz Solomon ipaglalaban ang pagiging great mother; The Clash 3 may nakakalokang twist | Bandera

Chariz Solomon ipaglalaban ang pagiging great mother; The Clash 3 may nakakalokang twist

Ervin Santiago - November 01, 2020 - 02:03 PM

SINULATAN ng Kapuso comedienne na si Chariz Solomon ang kanyang sarili para sabihin kung anong klase siyang ina.

Ayon sa “Bubble Gang” star, marami rin siyang nagawang sablay at maling desisyon sa buhay niya pero kung may isang bagay na maaari niyang ibandera sa buong universe, yan ay ang pagiging mabuting nanay.

Ipinost ni Chariz sa kanyang Instagram page ang tatlong litrato kung saan kalong niya ang tatlong anak na kuha ilang araw matapos niyang isilang ang mga ito.

Caption ng komedyana, “Appreciation post for MYSELF.

“Bilang sa daliri kung ilang beses akong nagbuhat ng sarili kong bangko buong buhay ko,” simulanf pahayag  ng Kapuso star.

Patuloy pa niya, “Pero ito, proud ako dito sobra.

“Marami sigurong masasabing masama tungkol sa kin, pero ito, ipaglalaban ko to.

“I always have, and forever will be, a GREAT MOTHER to my sons,” diin pa niya.

Tatlo na ang anak ni Chariz — sina Apollo James, Ali Joakim at ang bunsong si Andreas Manolo na ipinangak niya noong Oct. 2, 2020.

Ayon pa sa komedyana, ang pagiging nanay sa tatlo niyang mga anak ang itinuturing niyang “greatest life achievement.”

Sa isa pang litratong ibinahagi niya sa IG sinabi niyang, “Still my greatest life achievement to date-being a mom.”

* * *

Ngayong gabi, magpapatuloy ang “Kakulay Kalaban” sa “The Clash Season 3”. Ang members naman ng Blue Group ang magbabakbakan para sa apat na natitirang spots para sa Top of the Clash.

Sinu-sino kina Eygee de Vera, Sheemer Buenaobra, Cholo Bismonte, Teng Mrister at Nina Holmes ang papasok sa next round?

At bago matapos ang round 2, ibabandera na ng Clash Masters na sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz ang isa na namang nakakalokang twist para sa round 3.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Abangan lahat yan ngayong gabi sa “The Clash” kasama pa rin sina Pops Fernandez, Ai Ai delas Alas at Christian Bautista bilang judges, at sina Ken Chan at Rita Daniela as Clash Journey hosts.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending