Cherie, Rochelle, Jon naranasan ang hagupit ni 'Quinta' habang nagte-taping ng 'Tadhana' | Bandera

Cherie, Rochelle, Jon naranasan ang hagupit ni ‘Quinta’ habang nagte-taping ng ‘Tadhana’

Ervin Santiago |October 29,2020
facebook
share this

Cherie, Rochelle, Jon naranasan ang hagupit ni ‘Quinta’ habang nagte-taping ng ‘Tadhana’

Ervin Santiago - October 29, 2020 - 10:44 AM

GRABE pala ang naging karanasan nina Cherie Gil, Rochelle Pangilinanan at Jon Lucas nang abutan sila ng bagyo habang nagte-taping sa Batangas.

Inabutan ng storm surge ang tatlong Kapuso stars habang nasa Laiya, Batangas kung saan kinukunan ang ginagawa nilang bagong episode para sa drama anthology na “Tadhana”.

Isa ang Laiya sa matinding tinamaan ng storm surge dulot ng bagyong “Quinta” na nagdulot din ng malawakang pag-ulan at pagbaha sa iba’t ibang panig ng Luzon.

Talagang takot na takot si Cherie Gil nang makita ang malalaking alon mula sa karagatan habang binabayo ng bagyo ang Batangas. Nag-stay daw sila sa isang resort sa Laiya kung saan kitang-kita nga nila ang paghagupit ni Quinta.

Bigla raw nagbalik sa kanyang alaala ang naging karanasan nila nang maganap ang killer tsunami sa Phuket, Thailand noong December, 2004 kung saan libu-libo ang namatay.

“This is somehow a déjà vu or reminiscent of my experience in Thailand,” ani Cherie sa ipinost niyang video clip sa kanyang Instagram story.

“I don’t know why I’m being followed by such energy,” dagdag pa ng award-winning actress na nanginginig pa ang boses habang nagkukuwento.

Kasama rin sa taping sina Rochelle Pangilinan at Jon Lucas na nagpahayag din ng matinding takot nang personal niyang masaksihan ang pagragasa ng malalaking alon papunta sa kanilang resort.

Dahil nga sa nangyari, kinailangang i-pack up ng production ang taping para makauwi na agad sila ng Maynila at maiwasan ang anumang hindi kagandahang insidente.

Pero bago nga umalis sa Laiya, nakunan pa ni Jon ang ilang eksena sa paghagupit ni Quinta kung saan makikita ang pagtumba at pagkasira ng ilang resort facilities.

“Nakita nga po namin mismo na paparating na po ’yung malakas na alon papunta sa mismong venue o resort kung saan kami nag-stay,” kuwento ni Jon sa panayam ng GMA.

“Natakot po ako noong nakita ko yon dahil sa YouTube ko lang napapanood yung mga ganoong pangyayari, tapos nakita ko mismo, kaya medyo nataranta rin ako,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukod kina Cherie, Rochelle at Jon, ligtas din ang lahat ng staff and crew ng “Tadhana” hosted by Marian Rivera. Nakabalik daw ng safe ang buong production sa Maynila noong Linggo ng gabi.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending