Miss Taguig may reklamo sa Miss U Philippines 2020: We deserve justice! Karma is real…
“WE deserve justice!” Iyan ang hugot ni Miss Taguig Sandra Lemonon, isa sa mga natalong kandidata sa katatapos lang na Miss Universe Philippines 2020.
Mukhang may gagawing pasabog ang dalaga hinggil sa naganap na beauty pageant matapos ang mga cryptic post niya sa kanyang Instagram Story ilang oras matapos koronahan si Rabiya Matteo ng Iloilo bilang 2020 Miss Universe Philippines.
Ayon kay Sandra, talagang iniyakan niya ang mga pangyayari sa nasabing pageant na ibabandera raw niya anytime soon.
Una munang nag-post ang dalaga ng eye emoji sa IG na sinundan ng caption na, “The truth always comes out.” Nilagyan din niya ito ng frying pan emoji na nagpapahiwatig na may “lutuang” nangyari.
“The truth always comes out. It’s just about timing. Karma is real. soon Because we deserve justice,” aniya pa.
Sa isa pa niyang post sinabi pa ng Miss Universe Philippines candidate na, “Thank you so much! I actually cried that day because of many things I will update soon.
“Get ready loves, tomorrow I will be announcing big news, it’s time to be honest & speak facts,” pagbabanta pa ni Miss Taguig.
“Coffee time soon. Because we deserve justice,” pahabol pa niyang mensahe.
Ano nga kaya ang bantang pasabog ni Sandra? At ano naman kaya ang magiging reaksyon ng Miss U PH organizers sa pagrereklamo ng isa sa mga kandidata ng pageant?
Pumasok sa Top 16 finalists si Sandra at nakarampa pa sa Evening Gown and Swimsuit competition ngunit hindi na siya nakaabot sa Top 5.
Nag-join na rin si Sandra sa Binibing Pilipinas noong 2018 at naging kontrobersyal pa nang amining hindi niya siya aware Build, Build, Build program ng gobyerno sa Q&A portion.
Si Miss Iloilo Rabiya Matteo nga ang itinanghal na Miss Universe Philippines 2020 habang wagi namang First runner up si Maria Isabela Ysmael ng Parañaque, Second runner up si Michelle Gumabao ng Quezon City, at Third at fourth runner up naman sina Pauline Amelinckx ng Bohol at Billie Hackenson ng Cavite.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.