Kim sa ilang nag-audition sa PBB: Hindi nanaig ‘yung sinabi nilang ‘Yes to ABS-CBN Shutdown’
SA nakaraang zoom conference ni Kim Chiu para sa pelikulang “U-Turn” na mapapanood na sa Okt. 30, ay natanong siya kung ano ang reaksyon niya na may mga nag-audition sa “Pinoy Big Brother” na noo’y pabor na mapasara ang ABS-CBN.
Napangiti muna si Kim sabay sabing, “Okay lang. At least hindi nanaig ‘yung sinabi nilang ‘Yes to ABS-CBN Shutdown.’ Meron pa ring liwanag.
“Sa ginagawa nilang ‘yan, sinu-support pa rin nila ‘yung Kapamilya channel. So parang, kinain lang nila ‘yung sinabi nila,” diretsong sagot ng Millennial Horror Queen.
Dagdag pa ng dalaga, “Maganda rin, kasi at least nabigyan sila ng hope na maging isang housemate and matupad nila ‘yung pangarap nila for their family.
“Naniniwala pa rin because of Kapamilya Channel, because of ‘Pinoy Big Brother’ opening the house again sa lahat ng mga nangangarap na there’s still hope.
“Kahit na sinabi nilang ‘Yes to ABS-CBN shutdown,’ naniniwala pa rin silang merong pag-asa dito sa ABS,” dagdag ni Kim.
At bilang unang big winner ng “PBB Teen Edition” noong 2006 ay ano ang maipapayo ni Kim sa aspiring housemates?
“Just be yourself. Huwag ka magpanggap na ito ka, ganyan ka. Kasi kung ano ‘yung personality mo, iyan ‘yung magugustuhan nila, kasi gusto nila iba-ibang personality.
“May funny, may misteryoso. It’s a combination of different personalities in one house, kaya nga nag-ka-clash sila. Kung ano ka, iyon ‘yung ipakita mo, kasi iyon ‘yung mahalaga,” say ng dalaga.
Sa lahat naman ng gustong matakot bago mag-Undas, watch na kayo ng horror film ni Kim na “U-Turn” simula sa Oct. 30. Makakabili ng ticket online via KTX.ph, iWantTFC, Cignal, o Sky Cable. Makakasama rin dito sina Tony Labrusca at JM De Guzman, sa direksyon ni Derick Cabrido.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.