Empoy nagtatakbo nang makakita ng multo; nag-AWOL sa trabaho | Bandera

Empoy nagtatakbo nang makakita ng multo; nag-AWOL sa trabaho

Reggee Bonoan |October 23,2020
facebook
share this

Empoy nagtatakbo nang makakita ng multo; nag-AWOL sa trabaho

Reggee Bonoan - October 23, 2020 - 11:02 AM

SA horror series na “Ghost Adventure” zoom conference ay inamin ng komedyanteng si Empoy Marquez na matatakutin talaga siya sa tunay na buhay.

Naniniwala siya sa multo dahil may karanasan na siya rito noong nagtatrabaho pa siya sa isang convenience store sa bayan nila sa Bulacan bago siya napasok ng showbiz.

Hinding-hindi raw makakalimutan ng komedyante ang ghost experience niyang iyon at kapag naiisip daw niya uli ito ay tumatayo pa rin ang mga balahibo niya.

Ayon kay Empoy, “Graveyard shift ang duty ko noon, (simula) 10 p.m. ang time-in ko, at 2 a.m. nang makita ko siya (lalaki) sa likod ng machine.

“Talagang nakita ko siya pag-angat ko ng tatlong case ng beer. Nang makita ko siya, naka-apron siya na black, same lang ng suot ko.

‘’Yung mukha niya, parang kapag nanigarilyo ka, binugahan mo ng usok, ganoon ‘yung mukha niya, blurred, medyo malabo ang dating pero alam mong tao siya,” simulang pag-alala ni Empoy sa naging karanasan niya sa multo.

“Nu’ng makita ko siya, nagtatakbo talaga ako sa manager ko. Sabi ko, ‘Sir Dave! Sir Dave! May multo po! May multo po!

“Bigla niyang hinawakan ang bibig ko. Sabi niya, ‘Julius (tunay na pangalan ng aktor) balik ka muna doon. Baka sabihin nila, nasisira ang ulo mo.”

Pagpasok daw ulit ni Empoy kinabukasan ay saka lang ikinuwento sa kanya na totoo nga ang nakita niyang multo.

At talagang nagpapakita at nagpaparamdam daw ito sa kahit kanino niya gustuhin. Nabigla rin daw ang comedian nang malaman kung sino ang kaluluwang nagpapakita sa convenience store na iyon.

“Sinabi sa akin ng pinaka-manager ko, ‘Pasensya ka na, Julius, hindi namin sinabi sa iyo kagabi, habang naka-duty ka. ‘Yung nakita mo, si Vladimir iyon.

“’Magiging manager na dapat dito, kaya lang binangungot siya diyan sa likod ng office.’ Sabi sa akin ng manager ko.

“Yun ang time na hindi ko na kinuha ang suweldo ko. Hindi ko na isinauli ang uniform ko. Hindi na ako nagpakita sa kanila,” pagtatapat ng aktor.

Bagama’t matatakutin si Empoy ay hindi naman siya nagdalawang-isip na tanggapin ang “Ghost Adventure” dahil alam niyang show ito at malayo sa naranasan niya noon.

Anyway, gustung-gusto naman ni Benjie Paras si Empoy dahil mahusay bumitaw ng linya kaya naman muli niyang kinuha sa 2nd season ng “Ghost Adventure” na mapapanood na sa Okt. 31 sa TV5.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ito’y mula sa Viva TV, Cignal at Sari Sari mula sa direksyon ni GB Sampedro. Kasama rin sa show sina Andrew Muhlach at Kylie Verzosa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending