Warning ng GMA, mag-ingat sa pekeng talent manager; kanta ni Aicelle swak sa pandemya
NAGBIGAY ng warning ang GMA 7 sa publiko laban sa mga pekeng talent manager at talent scout na nambibiktima ng mga aspiring artist.
Nabuking ng Kapuso Network ang mga sindikato sa social media na ginagamit ang GMA Artist Center para makapanloko ng kanilang kapwa.
Ayon sa network, may mga address kahina-hinalang social media accounts kung saan may mga nagpapakilalang talent scouts, managers at representatives ng GMA Artist Center na nanghihikayat na mag-audition online.
Nanghihingi umano ang mga ito ng mga private photos at personal information mula sa mga interesadong netizens na maaaring gamitin sa kanilang ilegal na gawain o scam.
Narito ang inilabas na pahayag ng GMA 7: “STATEMENT FROM GMA ARTIST CENTER
“GMA Artist Center warns the public of fraudulent personalities and/or social media accounts claiming to be its representatives in order to solicit private photos and information.
“For those who wish to send audition videos, you can send it to [email protected]. Please follow online VTR mechanics and requirements.
“For reference, these are the ONLY OFFICIAL GMA Artist Center accounts: IG: @artistcenter; Twitter: @ArtistCenter; Facebook: @OfficialGMAArtistCenter; TikTok: @artistcenter; Email: [email protected] and [email protected].”
* * *
Sa pamamagitan ng animated music video ng kanyang 2016 track na “Tuloy Tuloy Lang,” muling pinaalalahanan ni Aicelle Santos ang mga Pinoy na magpakatatag at huwag mawalan ng pag-asa sa kabila ng mga pagsubok sa buhay.
Ayon sa Kapuso singer, “Still listening to this song I recorded in 2016 (Liwanag album) to find courage and strength, to fight and be reminded that whatever life throws at us, tuluy-tuloy lang!
“Because we have a GOD so much bigger and powerful than the hardships we are going through,” aniya pa.
Sa panulat ni Kiko Salazar, maririnig sa kantang ito ang mga linyang “Di ba’t ganyan ang buhay paiba-iba ng kulay, Ikaw na rin ang siyang patunay… Tuloy Tuloy…” na nawa’y makapagpaalala sa mga Pilipino na malalagpasan natin ang kinahaharap na krisis.
Mapapanood ang official music video ng “Tuloy Tuloy Lang” sa YouTube channel ni Aicelle.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.