Aicelle Santos, Mark Zambrano abangers na sa baby No. 2 | Bandera

Aicelle Santos, Mark Zambrano abangers na sa baby No. 2

Ervin Santiago |June 29,2023
facebook
share this

Aicelle Santos, Mark Zambrano abangers na sa baby No. 2

Ervin Santiago - June 29, 2023 - 11:52 AM

MASAYANG ibinandera ng mag-asawang Aicelle Santos at Mark Zambrano na totoong magkakaroon na sila ng baby number 2.

Kinumpirma ng Kapuso singer at TV host sa pamamagitan ng kanyang Instagram account ang good news na pinusuan nang bonggang-bongga ng kanyang fans and social media followers.

Ang caption na inilagay ng celebrity mommy sa ibinahagi niyang video kung saan nakasama rin niya ang kanyang husband, “Ito na nga… Watch until the end.”

Mapapanood sa unang bahagi ng video ang pagbibigay nina Aicelle at Mark ng mga update about their family, kabilang na ang ginagawa nilang adjustments sa pagiging parents.

Ayon sa Kapuso star, talagang hands-on silang mag-asawa sa pag-aalaga sa kanilang baby girl na si Zandrine na more than two years old na ngayon.

Baka Bet Mo: Aicelle sa mga insensitive na mister: Wag ganu’n kasi ang hirap talaga ng pinagdaraanan ng mga mommy

Plano rin daw ng mag-asawa na gumawa very soon ng podcast kung saan nila maaaring ibahagi ang mga natutunan nila bilang mag-asawa at bilang mga magulang.

At sa last part nga ng video, ginulat nina Aicelle at Mark ang kanilang mga followers matapos ang kanilang big announcement.

Rebelasyon ng celebrity parents, abangers at waiting na sila sa pagdating ng kanilang ikalawang anak. Yes! Pregnant na nga uli si Aicelle.

Matapos ang kanilang big announcement, sandamakmak na pagbati at inspiring message ang natanggap ng mag-asawa mula sa mga netizens at mga kaibigan nila sa entertainment industry.

Ilan sa mga unang bumati ay sina Iya Villania, Julie Anne San Jose, Iza Calzado, Karylle, Rodjun Cruz, Mariz Umali, Rita Daniela at marami pang iba.

Nagpakasal sina Aicelle at Mark noong November 19, 2019 sa Batangas at taong 2020 naman nang ipagbuntis ng singer si Zandrine.

Related Chika:

Aicelle Santos humingi ng dasal para sa inang kritikal ang lagay

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

‘Voltes V: Legacy’ team, sasabak na sa lock-in taping; Aicelle maraming nadiskubre bilang mommy

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending