Aicelle sa mga insensitive na mister: Wag ganu'n kasi ang hirap talaga ng pinagdaraanan ng mga mommy Bandera

Aicelle sa mga insensitive na mister: Wag ganu’n kasi ang hirap talaga ng pinagdaraanan ng mga mommy

Ervin Santiago |August 26,2021
share this

Aicelle sa mga insensitive na mister: Wag ganu’n kasi ang hirap talaga ng pinagdaraanan ng mga mommy

Ervin Santiago August 26, 2021 - 09:08 AM

Aicelle Santos, Mark Zambrano at Baby Zandrine

ALIW na aliw kami sa mga paandar at hugot moments ng mga celebrity moms na sina Aicelle Santos at Maricar de Mesa patungkol sa kanilang pagiging wifey and mommy.

Sumabak kasi sila sa “Truth Cam” segment ng “Mars Pa More” kung saan ibinandera nila ang kani-kanilang saloobin hinggil sa ilang mommy issues sa pamamagitan ng funny video.

Unang ipinalabas ang hugot vlog ng Kapuso singer-actress na si Aicelle tungkol sa pagrereklamo ng mga mister kapag hindi na nakakapag-ayos o nakakapagpaganda ang kanilang mga misis.

“Hindi ko ma-gets ang mga lalaking kinukuwestiyon ang asawa nila at sinasabing, ‘Bakit hindi na kita nakikitang nag-aayos? Bakit hindi ka na nag-aayos para sa akin?’

“Ah, sige. Mag-aayos kami. Eh ‘di magli-lipstick kami. Lipstick habang nagtitiklop ng damit ng bata. Okey na po? Puwede na?” hirit pa ni Aicelle.

Bukod dito, umeksena rin ang misis ni Mark Zambrano sa kusina suot ang kanyang bonggang yellow OOTD para lang ipagluto ang kanyang pamilya.

“Eh, ‘di magde-dress kami while preparing your food. Happy? Happy?!” ang tila nang-aasar pang biro ni Aicelle na ikinahagalpak naman ng host ng show na si Camille Prats kasama ang guest co-host niyany si LJ Reyes.

Ngunit mabilis namang nilinaw ni Aicelle na kahit hindi siya nakakapag-ayos minsan ay kino-compliment pa rin siya ni Mark kaya happy wifey pa rin siya.

“To be fair naman kay Mark, ano naman siya eh, minsan parang ang baho ko na ganyan, ‘You’re beautiful.’ Sabi ko, ‘Huwag mo nga kong niloloko.’ Oo, ganyan,” aniya pa.

Dagdag pa niya, “Pero nage-gets ko ‘yung sentimyento ng mga mommies, lalo na kapag lagi kang palaayos, lalo na ‘yung trabaho mo lagi kang naka-makeup, tapos biglang nasa house ka 24/7 wala, walang ayos. Ni pagsuklay hindi mo na magawa, ‘di ba?

“Sa mga daddies, ‘wag naman ganu’n kasi ang hirap ng pinagdaraanan ng mga mommies, sa totoo lang,” pahabol pa niyang chika.

“Alam mo, sabi ko nga nu’ng naging mommy ako, ‘Oh my gosh. ‘Yung pinagdaanan ng mommy ko…’ Apat pa kami, ah.

“Lalo talagang minahal ko siya. Tumaas ‘yung respect ko sa mommies kasi they’re doing everything for us. As in, almost forgetting themselves,” sey pa ng Kapuso singer.

Bumida naman si Maricar sa sumunod na skit tungkol sa pagiging “busy” ng mga bata ngayon sa kanilang life.

“Alam niyo kung minsan napapaisip ako. Bakit ba itong mga bata ngayon parang ang acting nila ay busy-busyhan sila palagi?

“’Yung bang kapagka tinawag mo sila kapag kakainan na, ang sagot nila, ‘Wait lang, Mom.’

“O kaya naman kapag uutusan mo na sila, may papagawa ka sa kanila, para silang biglang nagiging paniki. Ang sagot lang nila, ‘Ba’t ako? Ba’t ako?’

“Ay naku naman. Sorry naman, anak. Naistorbo ba kita? Masyado ka bang busy?

“O, sige ha, sabihan mo na lang ako ‘pag ready ka nang kumain at hindi ka na busy diyan sa pag-iPad mo. Babalikan na lang kita ulit, ha? O, sige. Ako na. Ako na lang ang mag-aadjust,” ang dialogue pa ni Maricar na sinang-ayunan ng kanyang mga kapwa mommy.

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending