Pambato ng Aklan sa Miss U nais magpalaganap ng inspirasyon | Bandera

Pambato ng Aklan sa Miss U nais magpalaganap ng inspirasyon

Armin P. Adina - October 20, 2020 - 11:54 PM

Miss Universe Aklan Christelle Abello/CONTRIBUTED PHOTO

Lumaki man sa Estados Unidos ang Filipino-American beauty queen na si Christelle Abello, hindi pa rin niya kinalimutan ang pinagmulan niya sa tulong ng inang taga-Cavite at amang taga-Aklan.

At hinihikayat niya ngayon ang mga kapwa niyang Pilipinong lumaki sa ibayong-dagat na balikan ang kultura sa Pilipinas at tumulong na rin sa mga kababayang nangangailangan.

“I launched ‘Kapit-Bisig Tayo’ calling Filipinos wherever they are in the world to never forget our ‘kababayans’ who need help here. The ‘bayanihan’ spirit is rare, not a lot of cultures have it,” sinabi ni Abello sa isang virtual press event na naglulunsad sa kanya bilang 2021 Ginebra calendar girl, kahanay na ng idolo niyang si 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach.

Para sa kampanya sa 2021, hinihikayat ang mga Pilipino na maging “ganado sa bahay” sa gitna ng hamon ng pandemya na nagkulong sa karamihan sa publiko sa kani-kanilang mga tahanan.

“I accepted [the project] because it is a platform to inspire, with 2020 being a challenging year,” sinabi ni Abello.

“As Filipinos, we resonate with being resilient, trailblazing. Let’s keep that mentality and we’ll have a better year ahead,” pagpapatuloy niya.

Ngunit maliban sa pagsunod kay Wurtzbach sa hanay ng mga dilag na nagsulong sa kumpanya ng inumin, nais pang sumunod ni Abello sa isa pang yapak na tinahak ng international beauty queen.

Sumasabak ngayon si Abello sa Miss Universe Philippines bilang kinatawan ng Aklan, kaagaw sa korona ang 46 iba pang kalahok mula sa iba’t ibang panig ng bansa.

Tila mahirap, ngunit ayaw patinag ni Abello na umaming may “never-say-die” attitude.

Muntik na siyang sumuko nang mahirapan siya dahil sa pandemya. “But I thought to myself, I have come this far, why quit? I have my family in Aklan and Cavite and I’ve worked so hard not to quit,” pinaliwanag ni Abello.

Hindi naman na siya bago sa mga beauty pageant. Hinirang siyang 2014 Binibining Pilipinas USA, na naging susi sa pagsali niya sa 2015 Miss World Philippines pageant kung saan siya nagtapos sa Top 10.

“I just continue to be positive about myself, and exude a brighter, lighter vibe,” ani Abello.

Nasa Baguio City siya ngayon, kung saan itatanghal ang 2020 Miss Universe Philippines pageant sa Okt. 25

Host si KC Montero, habang kabilang sa mga inampalan si 2012 Miss Universe first runner-up Janine Tugonon na isa na ngayong modelo sa Estados Unidos.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Magtatanghal naman si “American Idol” runner-up Jessica Sanchez sa palatuntunang mapapanood sa GMA 7, at sa mga online platform na empire.ph, ktx.ph, at TFC.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending