Enchong bad trip kay Celine Pialago: Ilagay mo ang sarili sa kalagayan ng isang ina at mangyari ito sa 'yo? | Bandera

Enchong bad trip kay Celine Pialago: Ilagay mo ang sarili sa kalagayan ng isang ina at mangyari ito sa ‘yo?

Reggee Bonoan - October 19, 2020 - 03:25 PM

“THIS person is Heartless and Unintelligent. Ilagay mo ang sarili sa kalagayan ng isang ina at mangyari ito sa ’yo? Bilang isang tao, okay lang talaga sa ’yo?”

Ito ang sagot ng aktor na si Enchong Dee sa Facebook post ni MMDA Spokesperson Asec. Celine Pialago nitong Linggo.

May kinalaman ang post ni Asec Pialago kay Reina Mae Nasino na hindi pinayagan ng mga bantay niyang pulis sa hiling nitong tanggalin ang posas niya para mayakap ang anak sa huling sandali.

Post ni Asec. Celine, “Happy Sunday everyone! Walang kinalaman sa traffic pero sa tingin ko kailangan kong gamitin ang boses ko bilang isang Pilipino sa usapin na ito.

“Hindi lahat ng inang nakakulong ay nakapunta sa libing ng kanyang anak. Kaya ‘yung mga sumisimpatya kay Reina Mae Nasino, pag-aralan ninyo mabuti ang dahilan bakit siya nakulong at kilalanin ninyong mabuti kung sino siya sa lipunan.

“Masyado ninyong ginagawang pang drama serye sa hapon ang paghihinagpis niya. Tigilan niyo!”

Mukhang namali na naman ang kuda ni Pialago dahil maraming nakuhang simpatya ang nabanggit na political prisoner.

Mas maraming galit kaysa like ang nakuhang 11k na reaksyon sa post nito at 4.3k komento na karamihan din ay hindi pumabor sa kanya at kasama na nga ang aktor na si Enchong.

Ayon sa netizen na si Mark Ibo, “You might be proud that you have lots of admins but no one can’t deny the fact that the ounce of your so-called humanity has left you. Showing pictures of your good works is all for show when you cannot understand the plight of those who are undergoing a challenging part of their life.

“I don’t consider you as a strong woman as well because you don’t understand some of their plight especially of a grieving mother. Now tell that to the Ampatuans, Arroyos, Revillas and Marcoses too.”

Sabi ni Aqsitsarls Harn, “Compassion and noticing a dramatic scene is two different things. Anyone have the right to grieve, but not in front of TV.”

Ang sagot naman sa kanila ni Asec. Celine, “Aqsitsarls Harn, Apology to grieving mothers if they think I’m insensitive, same to Miss Nacino, but the point of ‘drama serye’ isn’t focused on Miss Nacino but on different groups taking advantage on the unfortunate situation to capitalize the issue of a ‘grieving mother deprived of right to be with her child’ at the expense of an innocent soul.”

At dahil nabanggit na niya ang “drama serye” heto’t may netizen na ginawa na siyang bida. Mula kay Monty Paja Monte, “Asec Celine Pialago – MMDA Spokesperson, oi ‘ne, tagal na rin ng drama serye sa EDSA ang traffic, umaga, hapon at gabi. ilang taon ka na dyan, ala pa rin kayo maisip matinong solusyon? puro trial and error?”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Walang sagot ang MMDA spokesperson tungkol sa trapik sa EDSA at hindi pa rin niya sinagot ang post ni Enchong Dee. Agad naming ilalabas ang magiging reaksyon at paliwanag ni Asec Pialago sa isyung ito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending