Sikat na aktor 'di umubra sa mga sekyu, pinagbawalang lumabas ng resort | Bandera

Sikat na aktor ‘di umubra sa mga sekyu, pinagbawalang lumabas ng resort

Reggee Bonoan |October 19,2020
facebook
share this

Sikat na aktor ‘di umubra sa mga sekyu, pinagbawalang lumabas ng resort

Reggee Bonoan - October 19, 2020 - 02:29 PM

HINDI umubra ang pagiging magandang lalaki ng pangunahing bida ng isang bagong show sa security guards ng kilalang resort sa bandang norte.

Hindi kasi siya pinayagang lumabas para maglibot-libot sana sa lugar pagkatapos ng trabaho niya.

“Sir bawal po lumabas, mahigpit ang bilin sa amin na walang puwedeng lumabas maski sino po sa inyo,” ang magalang na sabi ng guard ng resort sa makulit na aktor.

Naka-lock in taping ang buong cast kasama siyempre ang staff and crew sa resort para sa bagong programa na malapit nang mapanood sa kilalang network.

Ilang araw din kasing nakakulong sa resort ang lahat at ang magandang lalaking aktor ay naiinip na dahil halos lahat daw ay napagkuwentuhan na nila ng kasama niyang komedyanteng aktor na naka-stay din sa kaparehong building.

Wala naman daw ibang puwedeng makausap ang magandang lalaking aktor dahil halos lahat ay nasa kanya-kanyang kuwarto na at nagpapahinga pagkatapos ng kanilang taping na umaabot sa 12 hours.

“Taas pa kasi ng energy niya (magandang lalaking aktor), siguro gusto niya lang magpalipas sa labas ng resort, nagmomotor kasi siya, so siguro gusto lang magpaharurot ng motor. Ha-hahaha!” kuwento ng aming source.

In fairness nagpapa-cute pa nga raw ang magandang lalaking aktor sa mga guwardiya pero hindi talaga siya pinalabas

“Mawawalan po ako ng trabaho kapag nalamang nalakabas po kayo,” magalang uling sabi ni manong guard.

Napangiti na lang daw ang magandang lalaking aktor at bumalik na sa kuwarto niya.

PInupuri namin ang mga guwardiya ng resort dahil sumusunod talaga sila sa utos sa kanila ng management at sa magandang lalaking aktor, hmmmm pasaway ka pala, ah?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kapag sinabing bawal lumabas, bawal lumabas. Ayaw ni Kim Chiu ng ganyan! Ha-hahaha!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending