Kris may bagong pasabog: Nandito pa rin ako dahil sa pagiging totoo ‘ko

By Ervin Santiago October 18,2020
share this

Kris may bagong pasabog: Nandito pa rin ako dahil sa pagiging totoo ‘ko

By Ervin Santiago October 18,2020 - 12:31 PM

“NGITING tagumpay!” Kitang-kita sa aura ngayon ng TV host-actress na si Kris Aquino ang nararamdamang kaligayahan.

Sa latest post ni Tetay sa kanyang social media accounts tila nagpapahiwatig na naman ito ng natamong tagumpay sa kanyang buhay.

Isang maikling video ang ipinost niya sa IG kung saan makikita ang ilang litrato niya na pagkatamis-tamis ng ngiti at sa huling bahagi nga ay nagtaas pa siya ng dalawang kamay na akala mo’y nanalo sa eleksyon.

Caption ni Kris sa nasabing video, “I believe I’m still here because of my authenticity!

“Sometimes it got me into trouble, but with me, you’ve always known that what you see is exactly what you’ll get

“For most of my life, I’ve shared with you, the highest of my highs, and the absolute lowest of my lows—until this pandemic—when a part of me needed to shut down to get reacquainted with & strengthen the REAL me,” aniya pa.

Dagdag pa ng mommy nina Joshua at Bimby, talagang sinadya niya ang manahimik muna noong kasagsagan ng kanyang kalunglutan kung saan basag na basag daw ang kanyang puso.

“Mahirap i-fake na happy ka kung nabasag naman ang puso mo. Nakakahiya naman magbahagi ng sama ng loob pag alam mo na marami ang di hamak mas mabigat ang mga pinagdadaanan.

“Kaya nanahimik muna ako… nag promise sa sarili, babalik pag SURE na genuine ang ngiting ipapakita sa inyo.

“LOVE comes in many forms, and in many ways… during what the world continues to experience, like me, I’m sure maraming beses nyo ring inisip kung ano talaga ang nagbibigay sigla sa buhay ninyo, kung ano at sino ang may mahalagang pwesto sa puso ninyo.

“AND what is unexpected, what comes as a SURPRISE—well it can really make you believe that what’s meant to be shall always find a way.

“Pareho naman tayo, we’ve all had our share of heartbreaks & heartaches—but I still have faith, we all deserve to LOVE & BE LOVED,” mensahe pa ng tinaguriang Queen of All Media.

Pero ang nakaiintrigang bahagi ng IG post ni Kris ay ang sinabi niya tungkol sa kanyang “now and forever.”

“In just a few more days, you’ll get to meet my NOW & FOREVER.

#KrisinLoveLoveLove,” pambibitin pa ng award-winning TV host.

Ito na kaya ang bagong pasabog ni Tetay matapos mapurnada ang pagbabalik sana niya sa telebisyon bilang talkshow host? At sino naman kaya ang tinutukoy niyang “now and forever”?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending