WATCH: Cute na ABC video ng bunso nina Marian at Dingdong, viral na

By Karlos Bautista October 17,2020
share this

WATCH: Cute na ABC video ng bunso nina Marian at Dingdong, viral na

By Karlos Bautista October 17,2020 - 08:29 PM

Cuteness overload.

Viral na ang videong inupload sa Instagram ng aktres na si Marian Rivera na nagpapakita sa kanyang bunsong anak na si Jose Sixto o Sixto habang sumasabay sa pag-awit ng alphabet song.

“ABC’s ala Sixto. Thank you, anak, for adding joy into our home,” ani Marian sa kanyang Instagram post na may hashtag na #TuwangTuwaSiNanay.

Sa video, cute na cute na nakaupo sa baby chair si Sixto habang tumutunog ang popular na nursery rhyme sa kaharap niyang tablet.

Gaya ng ibang paslit na nagsisimula pa lamang matutong magsalita, pabulol na sinasabayan ng isang taon at kalahating bunso nina Marian at Dingdong Dantes ang kanta.

Maririnig sa background ang natutuwang tawanan at palakpak sa solo performance ni Sixto.

Habang sinusulat ang balitang ito, umabot na sa mahigit  964,000 ang views ng video.

At maging kapwa celebrities nina Dingdong at Marian ay natuwa sa “ABC” ni Sixto.

“Grabe ang cuuuuuuute😍,” comment ng singer at international musical theater actress na si Rachelle Ann Go.

“My gosh so guapo, mini Marian ❤️,” wika naman ni Bianca Gonzales.

Ayon naman sa celebrity cosmetic surgeon na si Hayden Kho, “Pogi nitong batang ito!!”

Pangalawang anak nina Marian at Dingdong si Sixto o Ziggy na ipinanganak noong Abril 16, 2019. Ang panganay nila na si Maria Letizia o Zia ay isinilang noong Nobyembre 23, 2015.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending