Mahusay na aktor insecure sa baguhang male star; pasaway sa bagong project | Bandera

Mahusay na aktor insecure sa baguhang male star; pasaway sa bagong project

Reggee Bonoan - October 09, 2020 - 03:34 PM

HOW true, insecure ang mahusay na aktor sa baguhang male celebrity na kasama niya ngayon sa isang project?

May mga chances na hindi nakikipag-cooperate ang mahusay na aktor kapag kailangan nilang magharap-harap ng co-stars niya sa project. Ang lagi niyang dahilan ay masama ang pakiramdam na dalawang beses nang nangyari.

Bukod dito ay laging tulog ang mahusay na aktor dahil puyat daw na ipinagtataka ng mga kasama dahil naka-lock in naman sila sa location.

Kaya ano nga ba ang ginagawa niya kapag oras na ng pahinga? Twelve hours lang ang trabaho nila at ang nalalabing 12 hours ay sarili nang oras ng mga artista.

Tanong namin, baka kasi alam niyang support lang siya sa ginagawa nilang proyekto.

“Nu’ng i-offer sa kanya ang project, alam niya na si _____ (baguhang aktor) ang leading man ni _____ (aktres) at third wheel siya. Pero maganda ang karakter niya, markado. At tinanggap naman, so ano ang dapat niyang ika-insecure?” kuwento ng aming source.

Naalala namin ang mahusay na aktor na nu’ng kainitan ng lockdown ay namumroblema dahil wala siyang work, wala siyang ibang pinagkakakitaan at panay na ang kulit niya sa kanyang handler na hanapan siya ng trabaho dahil wala na siyang panggastos.

Oo nga naman, hindi naman kasi nakaipon ang mahusay na aktor dahil nagbibigay siya sa pamilya niya.

Nagplano naman siyang mag-business pero dahil sa pandemic hindi ito natuloy kaya nakabinbin ang lahat ng gustong gawin sa buhay.

At heto pa ang dagdag na kuwento ng aming source tungkol sa mahusay na aktor, “Tuwing tatawagan siya for zoom meeting para sa project ay hindi sumasama, sabihin na lang daw sa kanya ang gagawin niya at siya na ang bahala.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ano na naman ba ang problema ng mahusay na aktor na ito? Dapat pagbutihin na niya ang project na ibinigay sa kanya.

Alalahanin niya hindi siya dapat makampante kahit magaling siya, maraming baguhang artista ngayon na puwede siyang palitan anumang oras.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending