Lolit Solis kay Caridad Sanchez: Buong araw ako na upset, nagbalik sa alaala ang scam na ginawa ko | Bandera

Lolit Solis kay Caridad Sanchez: Buong araw ako na upset, nagbalik sa alaala ang scam na ginawa ko

Reggee Bonoan - October 07, 2020 - 10:00 AM

LAMAN ng balita ngayon ang batikang aktres na si Ms. Caridad Sanchez matapos ihayag ng anak nitong si Cathy Sanchez Babao na meron itong dementia.

Ngunit mariin naman itong itinanggi ng kapatid na lalaki ni Cathy na si Alexander Joseph Babao.

Aniya, sa edad na 87 ng kanilang ina ay mayroon itong, “mild cognitive handicap that goes with aging.”

Nabanggit pa niyang physically fit ang kanilang ina at ipinakita pa ang video habang nag-eehersisyo si Ms. Caridad sa pamamagitan ng paglalaro ng bola kasama ang anak na lalaki.

Sa kanyang Instagram account ay ginunita naman ng talent manager na si Lolit Solis kung paano siya sinuportahan ng aktres sa panahong nasangkot siya sa matinding kontrobersiya.

Narito ang caption ni Manay Lolit sa larawan ng veteran actress, “Siguro  sa buhay talaga natin may mga bagay na kahit matagal na nangyari parang rerun sa sinehan o TV na nagbabalik sa alaala mo.

“Buong araw ako na upset dahil sa pagbabalik ng alaala ng scam na ginawa ko nuon, at pagsisisi na sana kahit pa ayaw ng tumanggap ng calls ni Caridad Sanchez nagpilit pa rin ako para makausap siya at huwag mawala ang line of communication namin.

“Na upset ako iyon nagbigay ng parang second life ko na sa buhay dahil pinalakas niya loob ko, hindi na ako makikilala pag pinuntahan ko para kumustahin.

“Tutoo nga iyon sinasabi nila, show your love now, before it is too late, express it now, say it. So sad na hindi ko nagawa, pero alam ko like nuon na tumawag siya sa akin, that special bond between us hindi naputol.

“Tutoo rin na kahit ano pa mangyari sa buhay mo, kahit isang tao lang maniwala at magmahal sa iyo, sapat na iyon para makatayo kang muli. I have always feel so lucky with friends God had given me, they have always been the angels on my side.

“Sabi nga natin, iyon kaibigan nasa tabi natin, iyon ang pader na nagpo protect sa atin, kaya nga dapat maingat tayo sa pagpili ng kaibigan dahil sila ang kasama natin sa ating long journey sa buhay.

“For that, I will always thank God dahil eversince, iyon mga friends na binigay niya naging mabuting gabay sa buhay ko. Sila Manay Ichu, Douglas, Bibsy, Billy, Rudy, naging angels sila na nagbantay sa lahat ng kagagahan ko sa buhay. Inday Badiday was also my rock, those days of uncertainties we shared was unforgettable.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Talagang parang surreal ang lahat sa paligid ko ngayon dahil sa melancholia, sobra akong nalungkot sa dementia ng isang napaka caring na tao, napakasaya, at laging alert sa mga nagaganap sa paligid niya.

“Caridad Sanchez, you’re unforgettable and will always be in my heart.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending