Julia nakakaloka ang sagot kung bibigyan pa ng 'second chance' si Joshua | Bandera

Julia nakakaloka ang sagot kung bibigyan pa ng ‘second chance’ si Joshua

Reggee Bonoan |October 06,2020
facebook
share this

Julia nakakaloka ang sagot kung bibigyan pa ng ‘second chance’ si Joshua

Reggee Bonoan - October 06, 2020 - 11:57 AM

NATANGGAL si Julia Barretto sa ABS-CBN series na “Cara Y Cruz” na ang tilutlo na ngayon ay “Bagong Umaga”.

Ito’y dahil wala na nga siya sa Star Magic at lumipat na ng Viva Artists Agency. At dahil dito baka raw malabo na ring makatrabaho niya ang Star Magic artists?

Paano na ang planong sequel ng digital series na “I Am U”?  Si Tony Labrusca ang leading man ng aktres dito mula sa Dreamscape Entertainment, line produced by IdeaFirst Company at sa direksyon ni Dwein Baltazar.

Malabo na rin bang makatambal niya ulit ang ex-boyfriend na si Joshua Garcia? Paano na ngayon ang JoshLia tandem?

At dahil good friends na ulit sina Joshua at Julia ay nagkakausap na sila at inimbitahan pa nga ng una na mag-guest ang huli sa kanyang vlog na inoohan naman ng dalaga.  Hindi na ito kontrolado ng Star Magic dahil para na ito sa YouTube channel ng aktor.

Anyway, sa huling panayam sa  aktres ay natanong siya kung ano ang tatlong bagay na mami-miss niya kay Joshua ngayong malabo na silang magkasama sa isang project.

“First I think, ‘yung makatrabaho ang isang mahusay na aktor, very good actor so ayun. Pangalawa, ‘yung maging maalaga niya sa set sa akin. And pangatlo, ‘yung friendship namin dahil maganda na hanggang ngayon naman, e, magkaibigan pa rin kami,” say ni Julia.

At dahil maganda ang samahan ng ex-lovers ay natanong kung ano ang maibibigay na payo ni Julia sa mga magdyowang naghiwalay nang magkagalit.

“Wow, love guru pala ako. Siguro dapat kayong dalawa willing to save the friendship, kasi kung isa lang sa inyo ang may gusto, hindi talaga masi-save ang friendship.

“Pero kung both ends naman nagpapakita na gustong maayos, maganda ‘yun. At saka maganda ‘yung while moving forward.  Alam mo na ‘yung sa past mo, e maayos ang naging ending. Masaya at natutuwa ako na naging maayos ang ending naming dalawa. Lumabas kami ng break-up namin ng mas mature at mas mabuting tao,” sabi ni Julia.

Posible pa bang bigyan ni Julia si Joshua ng second chance? “Naku pag binigyan ko hindi na second chance ‘yun (natawa). Nth chance na ‘yun!  So lampas na ng second chance.

“You know what, kidding aside, I think we’re just really moving forward with our lives already.  Hindi na kami parehong eager to go back to the past.

“Parehong klaro sa aming dalawa na we’re friends and we’re going to move forward. And I wish him the best and I hope that whoever he ends up with, sana ay talagang mahalin at alagaan siya nang mabuti, ‘yun lang naman.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“As for me, I’m moving forward and I’m very, very happy and I’m really in good place with my life, there’s no need to go back,” paniniguro ng aktres.

At tungkol sa guesting ni Julia sa vlog ni Joshya, “Actually napag-usapan na namin ‘yan na gusto niya akong i-guest sa vlog niya kasi nag-YouTube na rin siya at gusto niyang mag-collaborate kami sa vlog niya pero adventure raw ang gusto niya.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending