2 miyembro ng Ex Battalion inireklamo ng Pinoy fans ng BTS, nangopya nga ba ng kanta? | Bandera

2 miyembro ng Ex Battalion inireklamo ng Pinoy fans ng BTS, nangopya nga ba ng kanta?

Ervin Santiago - October 06, 2020 - 09:45 AM

INIREKLAMO ng mga Pinoy ARMYs ang dalawang miyembro ng Ex Batallion dahil umano sa pangongopya sa isang kanta ng K-Pop group na BTS.

Ayon sa mga Filipino fans ng sikat na sikat na K-Pop boy group, malaki ang pagkakatulad ng inilabas na kanta nina Flow G at Skusta Clee sa BTS song na ginamit sa promo ng isang local clothing brand.

Magkatunog umano ang 1-minute song na “Deym” sa kanta ng K-pop group na “Ddaeng” na ini-release noong June 10, 2018 (via SoundCloud).

May mga netizens pang nag-post ng video ng dalawang kanta kasabay ng panawagan na i-report daw ito sa record label ng BTS na BigHit Entertainment.

Comment ni @_dyliciousss, “I’m also a Filipino, i’m not being biased here but, protect Skusta from what?! BTS really worked hard for their music, and skusta just copied it without asking permission or giving credits. #PROTECTSKUSTACLEEATALLCOST.”

Wala pang official statement ang dalawang miyembro ng Ex Battalion pero ilang netizens ang nag-post ng screenshot ng tweet ni Skusta Clee na pinaniniwalaang sagot niya sa akusasyon ng BTS supporters.

“Hindi namin ginaya ‘yon oy! EZ LANG KAYO,” ang mensaheng ipinost ni Skusta sa Twitter.

Kung matatandaan, naireklamo na rin noong 2018 ang Ex Battalion dahil umano sa pagkopya nila sa tunog ng “One Kiss” ng Diamond Style para sa kanta nilang “Hayaan Mo Sila.”

Ngunit sa official statement ng grupo sinabi nilang, “Nothing was stolen! It was paid! It is clear, was paid!”

Bukas ang BANDERA sa paliwanag nina Flow G at Skusta Clee tungkol sa kontrobersyang ito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending