Alden may ipinasilip sa fans; 4 na bida ng 'The Promise' nawala ang takot sa lock-in taping | Bandera

Alden may ipinasilip sa fans; 4 na bida ng ‘The Promise’ nawala ang takot sa lock-in taping

Ervin Santiago - October 06, 2020 - 09:32 AM

MARAMING realizations na napulot ang stars ng “I Can See You: The Promise” na sina Paolo Contis, Andrea Torres, Benjamin Alves at Yasmien Kurdi mula sa kanilang lock-in taping.

Dahil “The Promise” ang isa sa pinakaunang serye ng GMA na sumabak sa lock-in taping, naniniwala si Paolo na mai-inspire nila ang iba pang artista na nag-aalinlangan pang sumabak muli sa pag-arte.

“We were very concerned na maging successful ‘yung taping kasi alam namin na marami kaming co-actors na takot pa. Because of this, naniniwala ako na mai-inspire namin sila na mag-try uli na humarap sa camera,” pahayag ni Paolo.

Naniniwala naman si Andrea na mas gumanda ang kanilang performance dahil sa matagal na pagpapahinga, “Naapektuhan ‘yung quality ng trabaho. Kasi well-rested kami, palaging ‘yung best mo ‘yung ibibigay mo.”

Naging safe at smooth naman daw ang taping nila ayon kay Benjamin, “The energy, the safety is even better, the taping is even better, to think na we’re coming from six months absence.”

Kahit nanibago, napanatag din ang loob ni Yasmien dahil sa mahigpit na safety protocols na ipinatupad sa set, “Mayroon kaming safety officers sa loob ng set namin na nagpapaalala sa amin ng do’s and don’ts.”

Ang “The Promise” ang ikalawang installment sa drama anthology na “I Can See You” na nagsimula na kagabi, 9:15 p.m., sa GMA Telebabad.

* * *

Ipinasilip naman ni Asia’s Multimedia Star Alden Richards ang naganap na pictorial para sa kanyang 10th showbiz anniversary celebration sa darating na Dec. 8.

Sa isang Instagram video ay ibinahagi ni Alden ang behind-the-scenes ng kanyang pictorial para rito, “Silip muna. Let’s experience it together on Dec 8. #AldensReality #AldenRoadtoTen.”

And as expected, maraming fans ng Pambansang Bae ang na-excite rito. Biro pa ng ilang followers niya, magli-leave na raw sila sa naturang date.

“Mag-file na ako ng vacation leave for Dec 8 ha,” comment ng isang Aldenatics.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, maganda rin ang naging feedback ng viewers at netizens sa kakatapos lang na mini-series ni Alden na “I Can See You: Love On The Balcony” kung saan nakatambal niya si Jasmine Curtis-Smith.

Kahit pa isang linggo lang umere ang programa, maraming viewers ang natuwa sa magandang kwento, at mahusay na pagkakalatag ng mga eksena.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending