Vice sa bonggang pasabog ng Showtime: Ayoko na lang magsalita baka mapagalitan ako! | Bandera

Vice sa bonggang pasabog ng Showtime: Ayoko na lang magsalita baka mapagalitan ako!

Ervin Santiago - October 05, 2020 - 09:28 AM

WALA pang formal announcement ang ABS-CBN pero kalat na ang chika na mapapanood na uli sa free TV ang “It’s Showtime” simula sa Oct. 10.

Ito raw ang sinasabing matinding pasabog ng Kapamilya noontime show para sa selebrasyon ng kanilang 11th anniversary.

Sa nakaraang episode kasi ng “Showtime” nabanggit ng isa sa mga host na si Vice Ganda na abang-abang lang ang madlang pipol dahil may sorpresa silang inihahanda na mangyayari na very soon.

“Ayoko na lang magsalita baka mapagalitan ako!  Pero naku, naku, naku, abang-abang lang kayo diyan!” ang pambibiting pahayag ng TV host-comedian.

Hirit pa niya, “Naku, naku, naku! Abang-abang lang kayo diyan, huwag kayong ano sa akin.

“Ayoko na lang talaga magsalita baka mapagalitan ako, pero naku, naku, naku, abang-abang lang kayo diyan.

“Di ba, sabi ko sa inyo, madlang pipol, better days are coming? Kita-kits, kita-kits.

“I’m sure nae-excite kayo kung ano ang sinasabi naming kita-kits!” chika pa ng komedyante.

Ang kumakalat na balita, mapapanood na sa Zoe Broadcasting Network simula sa Sabado, Oct. 10, ang “Showtime”.

Pag-aari ni Bro. Eddie Villanueva ng Jesus Is Lord ang Zoe Channel na isa ngang free TV.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukod sa “Showtime”, balitang mapapanood din sa Zoe TV ang ASAP Natin To tuwing Sabado.

Kaya abang-abang na lang madlang pipol sa gagawing announcement ng Kapamilya network hinggil dito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending