James sa pagiging babaero raw ng basketball players: Hindi! Kapag nakakita nga kami ng maganda, natotorpe kami | Bandera

James sa pagiging babaero raw ng basketball players: Hindi! Kapag nakakita nga kami ng maganda, natotorpe kami

Ervin Santiago |October 04,2020
facebook
share this

James sa pagiging babaero raw ng basketball players: Hindi! Kapag nakakita nga kami ng maganda, natotorpe kami

Ervin Santiago - October 04, 2020 - 04:12 PM

 

DIRETSAHANG tinanong ni Vice Ganda si James Yap kung totoong babaero ang mga basketball players.

Sa nakaraang episode ng “Gabing Gabi Na Vice”, napasabak na naman sa hot seat ang dating asawa ni Kris Aquino.

Mula sa kanyang quarantine life kasama ang asawang si Michela Cazzola, at pagpapaturo niya sa nanay niyang magluto, hanggang sa pag-aalaga sa kanyang mga anak ay napag-usapan nila ni Vice.

Kuwento ni James, nasa bahay lang  talaga siya kasama ang pamilya ngayong may pandemya. Wala pa rin kasing PBA games hanggang ngayon kaya nakatengga pa rin ang lahat ng players.

“Nagpapaturo ako magluto sa mom ko kasi yung parents ko nandito,” kuwento ni James. So far, may mga alam na siyang lutuing masasarap ngayon na naipatikim na rin niya sa kanyang pamilya.

Naibahagi rin niya kung bakit bigla silang umalis ng kanyang pamilya patungong Italy noong kasagsagan ng lockdown.

“Si Mic (asawa niya) kasi nag-decide na kung pwede umalis na lang. Ang sabi niya sa akin, mas okay naman daw doon dahil nakakalabas yung bata,” ani James.

Bukod sa pagluluto at pakikipag-bonding sa kanyang mga anak, isa pa sa natutunan ni James nitong kasagsagan ng community quarantine ay ang pagti-TikTok.

Yes, isa na rin siyang TikToker ngayon at kahit daw hindi siya marunong sumayaw, marami pa rin daw ang nanonood sa kanya.

“Yung mga teammates ko ang nag-convince sa akin na gumawa ng account. Sabi nila, ‘Mag Tiktok ka na rin. Mag-TikTok tayo every practice.’ Nakakahiya nga. Ang tigas talaga ng katawan ko. Wala talaga,” natatawang chika ng PBA player.

Samantala, sa isang bahagi nga ng panayam ni Vice kay James ay natanong kung babaero nga ba ang mga basketball players.

“Hindi. Hindi totoo yun Vice. Kasi, alam mo, yung mga basketball player, araw-araw, takot nga sa magaganda yun, eh.

“Kasi, every day, practice kami di ba. Magkakasama puro lalaki, every day iyan. So hindi kami sanay na makakita ng magaganda.

“Kapag nakakita kami ng magaganda, natotorpe kami. Nai-intimidate kami sa mga babae,” paliwanag ni James.

Sumunod dito, naglaro naman sila ng “Jojowain o Totropahin” challenge kung saan nagbanggit nga ng ilang local female celebrities si Vice.

Game na game namang sumagot si James sa challenge. Totropahin lang daw niya sina Ruffa Gutierrez, Ivana Alawi, Nadine Lustre, Maja Salvador at Bea Alonzo.

Buong tapang naman niyang sinabi na kung babalik siya sa pagkabinata ay baka jowain niya ang mga Pinay Miss Universe na sina Catriona Gray at Pia Wurtzbach.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Pwede yun (Catriona), jojowain yun. Yun ang mga type ko eh,” ani James.

Sey naman niya nang banggitin ni Vice ang name ni Pia, “Pwedeng jojowain, pwedeng totropahin. Kung type niya ako.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending